"Jason, pag-usapan naman natin 'to. Please. 'Di ko kayang mawalay sa'yo." Pagmamakaawa ni Kata sa akin. Ngayong araw kasi ay nakikipag-break na ako sa kanya. Nakakasakal na kasing maging boyfriend niya.
Wala na akong nagagawa magdamag kapag andyan siya. 'Di ko na magawa yung mga gusto kong gawin. Kapag nagkayayan ang tropa, 'di ako makasama kasi pinagbabawalan niya ako. Sakal na sakal na ako.
"Kata, parang awa mo na, palayain mo na ako. 'Di mo ba nakikita na 'di na masaya ang relasyon na 'to?"
"Jason, Babe, please. Give me one more chance, kapag 'di na talaga nag-work itong relasyon natin, papalayin kita." Tiningan niya ako sa mata, at alam ko sa punto na iyon ay makakagawa na naman ako nang maling desisyon.
***
"Oy pre! Musta? Long time, no see ah! Ano bang balita sa'yo?" Kasalukuyan akong bumibili ng softdrinks nang makita ako ni Bret; isang matalik na kaibigan. Humigop muna ako ng softdrinks bago ko siya sinagot."Long story pre. Para bang makakatulog ka kapag kwenento ko sa'yo." Napatawa naman si Bret sa sinabi ko. "Eh, kamusta naman kayo ni Kata? Stay strong pa rin ba? HAHAHAHAHAHA!" Aba'y loko 'to. Alam niya kasi ang tungkol sa amin ni Kata, kaya wala rin akong nagawa at nakitawa na rin. "Gago! Pero alam mo na sagot dyan." At tinanguan niya ako.
"Ngapala pre, may swimming daw ang tropa ah, sasama ka ba?" Sasagot na sana ako nang biglang may tumawag sa cellphone ko.
Kata's Calling
[ Answer ] [ Decline ]"Parang alam ko na ang sagot. Sige Jason, una na ako ah. Stay strong tayo Babe ah! Love you!" Napatawa na lang ako sa sinabi niya. Loko talaga, ginaya ba naman si Kata. 'Di ko na sinagot ang tawag ni Kata at tuluyan nang umalis ng tindahan.
"Ma, andito na ako."
"Jason." Mahinhin na pagkasabi ni Mama. Nginitian ko siya. Alam ko na kasi. Andito na naman si Kata, for sure dahil 'di ko sinagot ang tawag niya. Ang bilis niya makarating ah. Sabagay, mag-kapitbahay lang nga pala kami.
"Anak, alam kong 'di ka na masaya sa piling niya. Anak, 'di kita pipigilan na hiwalayan siya. 'Di siya ang babae na pinapangarap ko para sa'yo." Kahit si Mama ay ayaw na rin kay Kata. Ibang iba na kasi ito sa nakilala namin. Alam niya kasi na wala na akong kalayaan kapag andyan siya. Nginitian ko ulit si Mama bago tuluyang tumaas.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nakita ko kaagad si Kata, nakaupo siya sa higaan ko at nakasimangot ito.
"Bakit 'di mo sinagot yung tawag ko? May ibang babae ka na 'no? At bakit ngayon ka lang? Diba sabi ko sa'yo 'di ka pwede maglakwatsa." Tinaasan niya ako ng kilay pagkatapos niya magsalita. 'Di ko siya pinansin at napailing na lamang. "Oh, bakit 'di ka makasagot? Siguro, totoo yung mga sinabi ko 'no? LETCHE KA! LETCHE KA!" Muntik na akong mapahiga sa lakas nang hampas at suntok niya sa akin. "Kata, stop." Pero 'di pa rin siya nagpatinag at patuloy pa rin sa paghampas.
Hinawakan ko siya sa may balikat at inilayo sa akin. "KATA. I. SAID. STOP." Huminga muna ako nang malalim bago ako mag-explain sa kanya. "Bumili lang ako ng softdrinks sa kanto. Alangan naman na utusan ko si Mama. Nagtagal ako kasi nakita ko si Bret, nagkamustahan kami. 'Di ko na sinagot yung tawag mo kasi uuwi na rin naman ako. Lastly, wala akong babae. Ano bang pumapasok dyan sa kokote mo, kung ano-ano na pinag-iisip mo dyan."
Binitawan ko na siya. Parang mali ata yung sinabi ko sa kanya, para sa akin 'yun eh. Ano nga bang pumasok sa kokote ko at niligawan ko 'to. Siguro nasaniban ako ng kung anong espirito.