CHAKAHAN 4

1.4K 25 0
                                    

CHAPTER 4

Nagulat lang naman ang ka-chakahan ko this morning dahil sa sigaw sa akin ng kapatid kong uncooked na si Marisa.

Yung feeling na bigla kang kumaripas ng bangon dahil sa kanyang sigaw na nasusunog daw ang bahay, kaya ako naman ay bangon to the max.

"Ba't ka ba nang gugulo ng tulog?" Gigil ko sa kanya.

Kita ko ang pag tawa nya nang wagas, kung maka ngisi abot hanggang batok. Sarap nya rin talagang sipain sa kanyang main veins ihh, nang matuluyan ang gaga. Ako ay gigil na gigil na talaga sa kanya, pag wala lang talaga ang uncooked kong mother dito, ipapasok ko to sako ehh!

"So masaya ka na dahil sa ginawa mo?" Pagtaas ko ng kilay sa kanya.

"Oo naman...achievement kaya yun." Pag flipped nya ng kanyang buhok. "Alam mo Victorina, kahit tulog at gising ka, walang pinagkaiba ang mukha mo... panget ka talagang tunay! Hahaha! Ako sa umaga ay nagigising ng maganda, ehh ikaw nagising lang!"

Tatayo na sana ako para bigwasan si Marisa ay kaagad syang tinawag ng kanyang mudra na may naghahanap daw sa kanya sa labas.

"Sino na namanyan mha? Baka ang mga kaklase ko na naman yan na magyayayang gagala tas ako ang lilibre sa kanila? Sabihin mong wala ako, natutulog, masama pakiramdam, di makabangon!"

"Gwapo ang naghahanap sayo... at yung si crush mo na sinasabi mo sa akin!!" Turan ng inay nya.

Dahil sa narinig ni Marisa ay kaagad syang sumilip sa bintana at nang nakita nya kung sino ang naghahanap sa labas ay dali-dali syang bumaba ng kwarto ko. Mabilis pa sa pagtakbo ng pusa ang kanyang ginawang pagbaba ng hagdan. Yung tipong nagmamadali sya, yung panic at the disco ang peg!

Bumangon ako mula sa aking kama at sumilip sa bintana. Hihikab na sana ako kaso di ko na naituloy dahil sa aking nakita sa labas.

Isang gwapong lalake na subrang pamilyar ang mukha. Nakatayo sya sa tapat ng pinto, naka white polo at parang may pupuntahang okasyon lang ang kanyang porma.

"Drake?" Bulong ko sa aking sarili.

Nakita ko si Marisa na papalapit kay Drake at todo yakap sya dito. Si Drake naman ay umiiwas sa pagyakap na gawa ni Marisa.

"Ikaw naman crush, di ka manlang nagpasabi, nag text o chat manlang na dadalaw ka pala sa akin, di sana nakapag ready ako." Pag beautiful eyes ni gaga kay Drake.

"Ahh. Sorry Marisa pero... hindi ikaw ang pakay ko dito." Pag real talk ni Drake sa kanya na aking pagtawa naman. Hahaha, sakit no,'n, na real talk si gaga! Buti nga sa kanya, assuming kase ehh!

"Huh?" Pag kabigla ni Marisa na parang napahiya sya sa kanyang itsura. Agad syang humiwalay sa pagyakap nya kay Drake. "ahh, si-sino naman ang sinadya mo?" pag flip nya ng kanyang buhok at nagpapa bebe sa harap ni Drake.

"Ahmm, si... si Vicky"

"Vicky?" si Marisa.

"I mean si Victorina" Smile ni Drake.

Nang narinig ko ang sinabi ni Drake ay halos tumalon sa tuwa ang aking puso, baga, atay, apdo at lahat-lahat na.

"Nariyan ba sya?" Tanong ni Drake. Nabigla naman ako dahil sa kaagad na pagsagot ni Marisa. Sabi nya wala raw ako sa bahay, nag bakasyon sa malayo. Dahil sa narinig ko ay kaagad kong binuksan ng malaki ang bintana at syang sigaw ko ng malakas.

"Nandito akkkkooooo" Sigaw ko na may kasama pang pagkaway.

Bigla namang napalingon ang dalawa sa akin. Nakangiti si Drake nang nakita nya ako, at si Marisa naman ang sama ng titig nyang ginawad sa akin, pinapalikahan pa ako ng mata ng gaga.

Mahirap Kapag Chaka (Under Revision)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang