When She's Asleep

5.4K 234 41
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, events, places, etc. are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or to actual events are purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIMEPLEASE DO NOT COPY.

************************************

Tumingin ako sa may likuran ko. Nakita ko na naman sa dulo si Kleir na nakatungo sa desk niya. Natutulog na naman siguro iyon. Nagtataka nga ako kung bakit hindi siya nakikita ng teacher namin eh.

Well, I can't blame her if she always sleep in class. Ang boring kasi ng Math at nakakadugo pa ng utak. Natapos ang klase nang tulog si Kleir. Hindi man lang siya nagising sa bell? Oh well! Forever tulog mantika talaga ang babaeng ito.  

"Miles, tara na!" Untag sakin ni Bodhi, ang bestfriend ko. 

"Sige, susunod ako." Sabi ko. Tumango lang naman siya at umalis na din.

Kaming dalawa na lang ni Kleir ang natira dito sa classroom. Oras na para gawin ang lagi kong ginagawa kay Kleir kapag tulog siya.

Lumapit ako sa kanya at yumuko para kalevel ko na ang mukha niyang nakatuon sa desk. Hinawi ko naman ang mga sagabal na hibla ng buhok niya sa mukha. Hay! Kahit natutulog, ang ganda talaga ni Kleir.

"Mmmm." Ungol niya. Tulog mantika!

Napatawa ako ng mahina. "Kleir Isobel Montano, tulog mantika ka talaga." Sabi ko.

This may be weird. Well, weird naman talaga itong ginagawa ko eh. Kinakausap ang isang tao kapag tulog.

Sige, aamin ako. Torpe ako. Torpe ako sa taong mahal ko! Ewan ko pero kapag susubukan kong kausapin si Kleir nang harapan ay umuurong ang dila ko.

"Sorry Kleir, huh?" Sabi ko at bahagyang tumawa. "Torpe ako eh. Hindi ko magawang umamin sayo ng nararamdaman ko." Sabi ko.

Nakarinig ako ng footsteps na papunta dito sa classroom kaya agad akong tumayo at lumayo kay Kleir. Pumunta ako sa pintuan at nakita si Gigi, ang pinsan na bestfriend ni Kleir.

Nagulat siya nang makita niya ako. Ano kayang problema? Tinaasan ko na lang ng kilay.

Hindi muna ako umalis. Sumandal muna ako sa pader na katabi ng pintuan. Sapat ito para hindi ako mapansin.

"Kleir." Gising ni Gigi sa pinsan niya. Goodluck!

"Mmm." Ungol ni Kleir.

"Kleir!" Sigaw ni Gigi.

"Pusang binasa!" Nagulat si Kleir.

"Tulog matika!  Halika na nga! Nagugutom na ako eh!" Sabi ni Gigi kaya umalis na ako. Baka kasi maabutan pa nila ako.

***

"Hoy! Miles!" Untag ni Bodhi sakin.

"Ano na namang problema mo, kupal?" Tanong ko.

"Tinawag kita sa pangalan mo, gago!" Sigaw niya. Natawa na lang ako. Para kasi kaming bata na nag-aaway.

"Ano ba kasi yun?"

"Bro, si Kleir mo, ayun, kasama na naman ni Lennon."

Agad namang napakuyom ang panga ko sa narinig ko mula kay Bodhi.

When She's AsleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon