Daine’s POV
“Hoy Daine gumising ka nga!”
“Chelle naman eh, natutulog yung tao. Pwede ba?”
“Hindi pwede. Wala akong kausap ditto..!”
“Si Ralinne..”
“Absent eh!”
“Si Yzza..”
“Natutulog eh!”
“Edi matulog ka na lang din, sa panaginip na lang tayo magchikahan.. Inaantok talaga ako eh.”
“A-YO-KO!!!”
“Makinig ka na lang kay ma’am..”
“Boring magturo.. Gumising ka na kasi.”
“Ayaw..”
“Ano ba ginagawa niyo tuwing gabi at lagi kayong tulog tuwing umaga?”
“Inaantok lang talaga ako ngayon Chelle, pagbigyan mo na..” sabay yuko ko sa desk ko, buti na lang di ako napapansin ni Ma’am.. Hihi. Tulog muna..
“MA’AM!! MA’AM!! MAY NATUTULOG SA KLASE NIYO!!!” Baliw talaga tong si Chelle, nilaglag kami.. Bigla naman akong buklat sa libro at nakita ko din si Yzza na nagulat, panigurado magdamag na nagtawagan silang dalawa ni Patrick.
“Miss ALVAREZ!! ANG BIBIG NAMAN!!”
“Sorry Ma’am..”
Kinalabit ko si Chelle tsaka binelatan sabay hampas naman niya sa akin ng libro.. Di naman kami pinapakialaman ng teacher naming kahit nga siguro maynagsusuntukan na ditto di pa din aawatin, bago lang ata kasi siya eh..
“Dapat kasi kasection na lang natin si Myka! Nakakainis…”
“Buti pa yung 3-B naglalaro lang..” sabi ni Ten habang nakatingin sa gym at nakaupo malapit sa bintana.
Ang boring naman kasi magturo ni Ma’am eh!!
Ayi’s POV
P.E naming ngayon, boring. Pinaglaro lang kami ni Ma’am ng volleyball at basketball naman sa mga lalaki, di naman ako marunong magvolleyball kaya nanunuod na lang ako. Ang boring, tapos may tumabi sa akin.
“Hi..” bati niya habang nakangiti pa
“….” Bakit ba kasi nawawalan ako ng lakas ng loob kahit maghi lang, arghh!! Bakit ba ako ganito?
Tapos may tumabi pa sa amin, di ko maalala pangalan eh.. Yung partner ni Myka nung AP
“Bakit ang tahimik mo?” tanong ni Russel na naunang bumati sa akin.
“Mahiyain daw yan.. ata, sabi ni Myka.” Sabat ni Girl habang nakagat sa kuko niya at pinapanood sila Myka maglaro
“Aaah..” tapos umalis na din si Russel.. maglalaro ata ng basketball
“Bakit ba ang tahimik mo Ayi?” tanong ni Girl sa akin sabay harap at parang hinihintay yung sagot ko.
“Ah.. wala lang..?” sagot ko
“Eh nagsasalita ka naman pala eh, sa wakas narinig ko din ang boses mo na kayhinhin..”
Nginitian ko lang siya.
BINABASA MO ANG
Loners Kami Eh, Bakit Ba?
Teen FictionMeet Ayi Atienza, isang loner na gustong magkaroon ng kahit isang kaibigan. Pero paano kung isang selfish, weird, masungit, cold at USER na Kaide Dela Pena ang maging kaibigan niya? Lalalim pa kaya ang relasyon nila o mananatili silang Loner?