Nandito na ko sa tambayan namin, kumpleto ang barkada...nandito sila Wade, Charles and Tristan.
"Ang tagal mo, kanina pa kami dito" reklamo ni Wade.
"Kinulit pa kasi ako ni Barbie kaya medyo natagalan" paliwanag ko.
"Kamusta na nga pala si Barbie? tanong ni Charles
"Uuuuy si Charles may sintang pururot sa kapatid ni Terence." natatawang biro ni Tristan.
"Wala noh! Ang bata pa nun para sakin saka parang nakababatang kapatid ko lang yon" tanggi ni Charles
"Dapat lang dahil ayoko pang mag boyfriend yung kapatid ko."
"Aba! Over protective ka palang kuya" sabi ni Wade.
"Ou kaya wag niyong subukan na ligawan si Barbie dahil makakatikim kayo sakin" ma awtoridad na sabi ko sa kanila.
"Oh Charles ha! narinig mo bawal pa daw ligawan si Barbie" natatawang sabi ni Tristan.
"Eh ba't ako na naman ang napansin niyo" inis na sabi ni Charles.
"Eh pano ikaw lang naman yung may pagtatangi kay Barbie sating tatlo" sagot ni Tristan.
"Sinabi ko na ngang wala akong gusto dun ang kulit niyo"
"Oh baka mag aaway pa kayo dyan, hindi naman yan ang pinunta natin dito, kaya idrop niyo na ang topic nayan" singit ni Wade sa usapan. "Terence sabihin mo nga samin kung anu ba talaga yung dahilan kung ba't kayo nag away ni Brando" baling sakin ni Wade.
"Oo nga Rence yan din ang gusto ko malaman eh!" sabi ni Tristan.
"Ganito kasi yon..."umpisa ko saka ko kinuwento yung nangyari.
"Eh hayop naman pala si Brando pati ba naman ninang mo binastos niya!"galit na sabi ni Charles
"Hindi naman natin masisisi si Brando, maganda at sexy naman kasi talaga yung ninang ni Rence. Kung kasing edad ko nga lang siya liligawan ko yun."nakangising sabi ni Tristan.
"Eh manyak kadin pala katulad ni Brando" galit na bulyaw ko kay Tristan.
"Chill kalang pare wag kang masyadong hot, sinasabi ko lang naman yung totoo. Bakit hindi mo manlang ba nagustuhan yung ninang mo kahit konti lang?" tanong sakin ni Tristan
Natahimik ako dahil sa tanong niya. Aaminin ko ba sa kanila na may gusto ako sa ninang ko o itatanggi ko nalang..
"Naku mukang totoo ang hinala ni Brando,natahimik si Rence eh! Diba nga silent means yes" natatawang sabi ni Wade.
"Hindi naman lagi na pag tumahimik yung isang tao ay ibig sabihin nun ay totoo o sumasang ayon siya sa sinabi mo,pwede namang hindi lang niya masabi na hindi ka niya gusto kasi ayaw ka niyang mapahiya" paliwanag ni Charles.
"Ano namang connect nun sa tanong ko kay Rence?" tanong ni Wade.
"Oo nga naman Charles" segunda ni Tristan.
"Parang ganun lang din kasi yung kay terence, tumahimik siya dahil hindi niya alam kung aamin ba siya sa nararamdaman niya o tatanggi siya dahil natatakot siya na pagtawanan natin siya.
"Ah ou" sang- ayon ko, tiningnan ko si Charles at nagpasalamat sa tingin.
Pero pare kung totoo man na may gusto ka sa ninang mo ngayon palang itigil muna kasi wala kang mapapala dyan. Siguradong di papayag si Tita pagnalaman niya yan" concern na sabi ni Charles sakin.
"Alam ko na yan nung una palang kaya nga sinisikil ko yung damdamin ko sa kanya" pag sang-ayon ko sa sinabi ni Charles pero ang totoo lahat gagawin ko makasama ko lang si Sofie.
"Anu ba yan masyado na tayong madrama nagmumuka na tayong bakla.Buti pa uminom nalang tayo para masaya" singit ni Wade.
"Mabuti pa nga, kanina pa ko nauuhaw sa dala mo eh! sang-ayon ni Tristan na nakatingin sa alak na dala ni Wade.
"Oh! umpisahan na yan" sigaw ni Charles.
"Rence ikaw yung taga tagay"baling sakin ni Wade.
"Ok" sang-ayon ko saka ko sinimulang salinan ang baso ng alak.
