Pagkakataon nga naman.
"Manong para po." Tumayo na ako sa kinauupuan ko at bumaba na sa jeep. I was on my way para maghanap ng mapagaapplyan ng trabaho kahit part time lang. Para naman kahit papano ay matustusan ko ang pag aaral ko ng hindi ko napipirwesyo ang tiyahin ko.
Actually kanina pa akong umaga kakahanap ng trabaho pero wala parin akong nahanap. Or shall I say, hindi ako qualified or yung iba naman ay no vacant spot na kahit part timer lang naman ang aapplyan ko.
Bandang alas dose na ng tanghali at palakad lakad parin ako babakasakaling may nag wa-wanted ng partimer. Pero wala e. Hindi ako pinalad kaya naman dumiritso nalang ako sa Jollibee na malapit lang sa kinaruruunan ko. Ikakain ko nalang to ng spaghetti at spicy chicken with coke. Hahaha!
"Good afternoon maam." Bati ng lalaking nakauniform ng makapasok ako.
At dahil saktong lunch break ngayon kaya inaasahan ko na mataas talaga ang linya ngayon. Kaya kahit gutom ako e okay nalang. I'm craving for spicy chicken naman kasi e kaya pagtatyagaan ko na lang to. Worth the wait naman e.
Nasa ikapangatlo na ako ngayon sa linya namin dala dala ang papel na ibinigay ni kuyang cute kanina. Bubunotin ko na sana ang isang daang peso sa bulsa ko ng bigla ko nalang maramdaman na may humawak sa pwet ko.
Dalidali akong tumalikod at hinarap ang lalaking kasunod ko.
"Bastos!" sabay sampal sa kanang pisngi niya.
Agad agad din namang nagsitinginan ang mga tao sa deriksyon namin.
"What's wrong with you?!" tanong niya sakin habang hinihimas ang pisngi niya. Butenga sa kanya.
At aba! Ako pa talaga ang tinanong niya e siya yung nanghipo sakin.
"Ako pa talaga ang tinanong mo no? E kung tanongin mo kaya yang sarili mo bakit ang bastos mo? Bakit? Tigang tiga ka na ba? Ha?"
Nagsimula ng magbulongbulongan ang mga tao pagkatapos ng sinabe ko.
"You know what, you need a doctor." pag eenglish niya sakin.
"Ikaw ang dapat magpadoctor. Para magamot nayang kalibogan mo!"
"Jes, tama na yan." biglang sulpot ni Tina sa tabi ko.
San kaya siya galing?
"No. Kailangang turuan ng leksyon ang manyak nato!"
"Bes, tama na okay? Tama na. Nasaksihan ko ang lahat kaya please lang okay na tama na."
"Anong tama na? Walang tama na! Binaboy niya yung pagkababae ko kaya dapat lang na pagbayarin siya!"
"Hindi mo kasi naiintindihan e..."
"Anong hindi ko naiintindihan? Gets na gets ko ang pambabastos niya kaya ikaw ang tumigil dyan!"
"Ganyan ka na ba ka desperado at nagagawa mo ng manghipo ng katawan ng iba? Ay nako bes pagamot kana!"
"Sabing tama na nga e. Makinig ka sakin okay?"
Pagkasabi niyang yun ay inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko.
"Hindi niya hinipo yung ano mo. May nakadikit kasi na hindi ko alam na bagay basta maliit siya sa may pwetan mo kaya kinuha yun ng isang bata kanina at sakto rin naman na yang lalaking yan ang nasalikod mo. Kaya bes, tara na umuwi na tayo at baka matokhang tayo ng lalaking to."
Napatakip na lamang ako sa bibig ko sa mga narinig ko. I was mistaken. Urgh!
What should I do? Galit na galit na yung lalaki sakin. Nakikita ko na nga yung mga usok mula sa ilong niya. Huhuhu.
YOU ARE READING
That Crazy Woman
FanfictionAng storyang ito ay tungkol sa isang babaing nagnanais na magkaroon ng isang magandang buhay ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nawalan siya ng mga magulang at napunta sa mga kamay ng Tiyahin niya na kung tratohin siya ay parang hindi sila ma...