My Daughter's Murderer" Original Story by: JamilleFumah A SHORT STORY

4K 69 12
                                    

“Honey! May tawag ka sa phone!”

Sigaw nang asawa ko, humahangos, pero hindi ko sya kinibo. Nasa ibaba lang sya ng aming bahay habang ako’y naglulugmok sa aking higaan sa kwarto.

Maya-maya ay kumatok ito ngunit hindi ko sya pinagbuksan. Binuksan nya ang pintuan nang kwarto gamit ang kanyang susi.

“What the hell is happening with you?! Hindi pwedeng habang buhay ka na lang magmukmok dyan! Paano ang clinic mo? Kailangan ka nila.” Sermon nya sa akin.

Hindi ako umimik, sa ginawa nyang iyon ay lalo lamang akong lumugmok sa pagkakahiga. Lumapit sya sa akin at umupo sa tabi ko.

“Sampung buwan na ang nakakalipas. Mare-realize nya rin ang mga pagkakamali nya. Babalik din sya dito sa bahay.” Mahinahon nyang sabi habang hinihimas ang aking buhok.

“Hindi ko alam Arthur, parang hindi ko na kaya.” Maririnig sa boses ko ang pagdadalamhati.

“Please. Samantha. Hindi lang ikaw ang nawalan, anak ko rin sya.” Dumikit sya sa akin upang yakapin ako.

“Pero wala kang nagawa!” Kinabig ko sya papalayo.

Tumingin lang sya sa akin na tila ba nahahabag at saka huminga nang malalim. “I have to go. Please take the call. Kailangan ka ni Misty.” Pagkabanggit ng mga kataga ay agad niyang nilisan ang kwarto.

Hindi na sya nagsawa, halos araw-araw ay ganito rin ang eksena namin may sampung buwan na ang nakakalipas.

Bumaba ako ng bahay upang sagutin ang tawag ni Misty – ang aking nurse head assistant sa clinic.

“Doktora Samantha. Mabuti naman po at sinagot nyu ang tawag ko.”

“Ayoko nang paliguy-ligoy Misty. Anong problema?”

“Doktora may pasyente po rito dinudugo pero hindi pa pumuputok ang panubigan, may dalwang oras na po ang nakakalipas. Naubusan po sya ng dugo kaya pinasalinan ko na po.” Nangingiyak niyang salaysay sa akin.

“Ano ka ba naman Misty?! Parang hindi mo alam ‘yan. Sana pina-transfer mo na sa Hospital!”

“Alam ko po Doktora, pero ayaw na po syang ipalipat ng asawa nya.”

“Pwes hindi na natin problema yan! Anong oras na oh! Dapat madala na yan sa hospital!”

“Pero Doktora… malayo po ang Hospital dito sa clinic naten. At isa pa… mukhang wala naman po silang pera – “ hindi pa sya tapos magsalita ay binirahan ko na sya ng sermon.

“Wala pa lang pera bakit tinanggap mo?! You mean wala silang Admission Fee?!”

“Pero Doktora… kasi –“

“Kung ayaw pa nila magpalipat sa Hospital… paalisin mo!” pagkasabi ko nito ay agad kong pinagbaksakan ng telepono si Misty. Hindi ko namalayan na nasa likuran ko pa pala ang aking asawa.

“Nasa labas ang private detective mo. Hinihintay ka.” Kahit hindi nya sabihin ay kita ko sa kanyang mukha ang pagkayamot sa akin. Hindi ko sya pinansin at agad kong tinungo kung saan naroon si Charlie – ang private detective ko.

“Magandang hapon Doktora.” Bungad nya sa akin.

“Maganda lang ang hapon ko kung maganda ang balita mo.” Pambabara ko sa kanya.

“Sa ngayon Doktora… hindi ko pa rin sya mahanap.” Napayuko ito.

“Eh ano pang ginagawa mo dito?”

“May gusto lang sana akong itanong Doktora. Baka makatulong ito sa paghahanap ko sa kanya.”

“Sige itanong mo na. Ayoko nang paliguy-ligoy ah.” Pagkatapos ay umupo kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Daughter's Murderer" Original Story by: JamilleFumah A SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon