Chapter 5

53 3 0
                                    

Saan na ba yung lalaking yun? Napupuno na ako sa kalandian ng lalaking yun.

"Alam mo ba kung saan siya ngayon?"

"Basta kung saan ang maraming babae, nandun siya.", sagot ko. Tama naman eh, walang araw na hindi ko siya makikita na may babaeng kasama.

"Yun! Maraming babae dun!", turo ni Lizzie. Pinuntahan namin at aba, siya nga.

"Yes. Favorite color ko is Black.", sabi ni Red sabay ngiti sa mga girls.

"Talaga? We're the same.", sabi ng isang babae.

"Aww. Black na rin ngayon favorite color ko.", sagot pa ng isa pang babae. Ugh. Nakakasuka naman.

"Hoy Red! Mag-usap nga tayo.", sigaw ko. Lahat ng babae tumitingin sa akin.

"Who's that girl?"

"Omygosh. Isn't she the girl who hit Red's hand."

"Really?"

Hindi ko sila pinansin at lumakad ako sa harap ni Red.

"Okay.", hinila niya ang kamay ko papunta sa kanya which made my face move closer to him. It's like 5 inches away from his face. "What shall we talk about, sweetie?", sabi niya. Kinuha ko ang kamay ko at tinignan siya ng masama.

"Wag mo nga akong idaan sa sweet words mo! I'm not like those other girls who is willing to die for you.", sabi ko. "Anong ibig sabihin nito?", tinapat ko sa kanya ang papel.

"Ah. That. That's just what my fans made."

"Ahhh... Pinagawa mo to sa kanila para ipalabas na masama ako. Ganun ba?"

"Of course not. Why would I do that to you?"

"Malay ko. Ako ba ang nagpagawa nito?", sabi ko.

"Hoy babae! Wag mo namang ganyanin si Red!"

"Ang KJ mo!"

"Hoy mga babae, kung sasabi nalang kayo ng mga masasamang salita sa bestfriend ko, umalis na lang kayo dito ha. Dapat nga private conversation to eh.", sabi ni Lizzie sa mga babae.

"It's okay girls. Just go. I'll just have a talk with this girl over here.", umalis ang mga babae with 'awww's and 'eehhh's. Nagtransfer na rin si Lizzie sa isang table.

"So what is it do you want again?", tanong ni Red.

"I want you to tell the other girls na hindi ako ang babaeng iniisip nila."

"And why would I do that?", tanong niya.

"Because it's your fault why other people is being mistaken."

"Sige. I'll do what you want.", sabi niya, hay salamat madali lang pala kausapin to eh. "But on one condition."

"Anong condition naman yun?"

"Hmm. I don't know but I'll think about it. Game?"

"Game-game ka diyan. I don't really trust you."

"Eh bahala ka..", tumayo siya.

"Sige. Game. Basta gawin mo ang gusto ko kung hindi patay ka sa akin."

"Okay. Okay.", sabi niya.

"I'll tell you the condition when I had decided about it and that's when I'll do what you want. But when you didn't approve, well then, wala.", inexplain niya. Wais rin palang lalaking to ah

"Okay. Deal.", sabi ko. "At one more thing, wag na wag mo akong hahawakan! Kundi isusumbong kita sa police!"

He shrugged at ngumiti. "I'll do whatever I want."

"Bahala ka na nga diyan!", umalis ako sa harap niya.

"Bye Toni!", sabi niya. Tinignan ko siya ang nilabasan ng dila. I rolled my eyes at him at pumunta kay Lizzie.

"So, what did he say?", sabi ni Lizzie.

"Gagawin daw niya ang gusto ko pero sa isang kondisyon.", sabi ko.

"Anong kondisyon naman yun?", tanong niya.

"Ewan ko, sana hindi mahirap.", sagot ko. "Tayo na nga"

Pumunta kami sa second period namin. Siguro malilimutan rin ng lalaking yun ang deal niya sa akin. Mukhang pabaya eh. 

After all of the subjects for the day. Pauwi na sana kami ni Lizzie. Pero nagulat ako sa nakita ko. Nakasandal si kuya sa isang poste, nakashades.

Aba, aba. Ba't biglang sumuot ng shades ang unggoy na to?

"Mauna ka nalang Liz. Puntahan ko pa kuya ko. Yun siya oh.", tinuro ko.

"Mukhang pormado kuya mo ngayon ah.", napatawa landing dalawa. "Sige. Mag-ingat kayong dalawa."

"Bye!", sabi ko at pumunta kay kuya.

"Hoy!", tawag ko.

"Nandito na pala ang unggoy kong kapatid."

"Anong sinasabi mong unggoy? Ikaw kaya ang unggoy sa ating dalawa."

"Joke lang naman eh. Nagtatampo agad."

"So, ano sabi ni Miss Crush?", tanong ko.

"Ano ba sa tingin mo?", tanong niya.

"Aww. Hindi ka niya like?

"Batukan kita diyan eh. Like niya ako!!", sabi niya.

"Weh?"

"Oo nga!"

Biglang umiba ang mukha ko, hanggang tenga ang ngiti ko. "ISAW! ISAW! ISAW!", sabi ko.

Tumawa si kuya at umalis na kayo papuntang inasalan habang nagtutuksuhan at nagkwekwentuhan. Masaya talaga kung may kuya ka.

Dati nga eh, noong pumunta kami ni kuya sa isang cotton candy corner, napatanong ang tindero kung kami na daw. Grabe ang tawa namin ni kuya nun.

Ang weird kung napagkamalan kayo dalawa ng kapatid mo na magkasintahan. Hindi ba talaga kami magkamukha ni kuya?

Plan: Make my ex-crush suffer.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon