One Heartbeat Away

40 0 0
                                    

Naririnig ko na naman.

Di ko namamalayan, inaabangan ko na pala bawat araw. Kung hindi ako nagkakamali, limang hakbang na lang ang layo niya sa lugar na mistulang tinataguan ko.

Apat na hakbang,

Tatlo,

Dalawa,

Isa.

Siya na yun.

Kumakaskas na naman ng napakaingay ang sapatos nya sa sahig.

May kausap sya sa cellphone at naririnig ko ang husky voice nya na napakamahinahon kahit parang nag-aaway na sila ng kausap nya sa kabilang linya.

Sisipol sya sa tono ng kantang “I wish” by FT Island habang hinahanap nya ang susi sa bulsa.

Bubuksan nya ang pinto.

Uubo sya kasi magugulat sya sa lamig ng aircon ng apartment nya.

Babahing sya tapos bigla syang matatawa sa sarili nya.

Bawat araw, tuwing papatak ang ala sais ng gabi ganun ang eksena. As usual, nakapwesto na ‘ko sa gilid ng bintana, nakasandal sa pinto at matiyagang nakikinig. Napapadalas na ang ganito na tila ba nag-aabang ako ng isang telenobela na umeere tuwing gabi.

Ewan ko. Di ko maintindihan.

Bakit ko nga ba ‘to ginagawa?

Nalulungkot lang siguro ako. Ilang taon na rin kasi akong mag-isa. Walang nag-ooccupy ng buong 5th floor kundi ako lang noon. Mag iisang buwan na rin yung lalaking nakatira sa tabi ng unit ko.

Di nya ‘ko kilala.

Di ko rin sya kilala.

Ngunit sa tuwing pipikit ako’t makikinig sa mga munting ingay na ginagawa nya, kahit paano ay nababawasan ang lungkot ng isang isolated person na kagaya ko.

“AKO ANG RINGTONE MOO! AKO ANG RINGTONE MOO!

BILISAN MO NA’T SAGUTIN ANG TELEPONO MOOOOOO!!!!!!!”

Muntik na ‘kong mamatay sa gulat nang magring yung phone ko! Pramis! Isasilent mode ko na talaga yan.

“H-hello?”

Inipit ko yung cellphone ko sa pagitan ng balikat at tenga ko habang pinupulot ang vase na natabig ko.

“Angel! This is Bob, I’m from N&G Records and I just called to congratulate you because of all the girls who auditioned online, ikaw ang napili.”

Muntik ko ng mabitawan yung vase na hawak ko. I can’t believe it!

“Talaga po? Naku maraming salamat!”

Di na ‘ko mapakali, para akong bulate na sinabuyan ng asin.

“You need to come here tomorrow for the recording. Kailangan na kasi sa commercial. Ang dami ng nagsign na companies under our label basta daw ikaw ang kakanta.”

Oh no! I can’t go there. Paano na ‘to?

“Ahm, di po kasi ako pwede, okay lang po ba na irecord ko na lang tapos isend ko na lang po sa inyo online?”

Sana pumayag. Sana pumayag. Big break ko na ‘to eh.

“Okay. Just make sure you send it tomorrow. ASAP. We’ll send the songs after lunch today.”

“Sige po. Marami pong salamat. Bye.”

“Bye”

Pwew! That was close. Di kasi talaga ako lumalabas ng bahay mula nung bata pa ako. Natatakot kasi ako sa mapanghusgang mata ng mga tao. I have a rare condition called albinism. Sa tagalog, anak-araw.

One Heartbeat AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon