[Ivan's POV]"Waaaaaaahhhhh! Ivaaaaaannnnn!!" Mabilis akong tumakbo papasok sa kwarto.
"God! Lauren what happened!?" Pagbukas ko nakita ko si Lauren na nakaupo sa flooring. Dali dali akong lumapit at inalalayan siyang umupo sa kama.
"Ivan." Umiiyak na sabi sa akin ni Lauren. God! Kinakabahan ako sa nangyari. Ano bang nangyari sayo Lauren?
"Ivan!! Kasi!!" Saka niya pinagpapalo yung braso ko. What? Ano ginawa ko? Wala akong ginagawa! Swear!
"L—Lauren. Ano.. Ano ka ba? Bakit anong ginawa ko?" Bigla naman siyang tumayo at kinuha yung plato sa side table ng kama.
"Eto!!" Saka bigla niyang pinakita sa akin ang walang lamang plato.
"Bakit mo kinain yung natitirang green apple dito!! Diko pa naman nauubos yun kinain mo na!!" Nanlaki naman ang mata ko. O'nga pala. Nakain ko yun kagabi kasi sabi ko baka masira lang.
"Eh ano.. Kasi—" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla akong binato ni Lauren ng pillow.
"Waaaah!! Kinain mo yung pagkain ko!!" Saka humagulgol si Lauren. Shit! Ivan! Di'ba sabi mo hindi mo na papaiyakin si Lauren? E ano yang ginagawa mo!
Two months ng buntis si Lauren. Sa loob ng two months na yun, napakaselan niya. Ang dami niyang demands, foods, what to drink, at kung anu ano pa. Kung hindi nga mahaba ang pasensiya niyo ay maaasar kayo.
Pero ako, hindi ako nainis, naasar o kahit ano. Kasi alam ko part ng pagbubuntis niya yun. Lahat ng gusto niya, binibigay ko. Kasi mahirap pag hindi, nagtatampo agad siya.
Emotional si Lauren these past few months, sabi naman ni Dok ay part din ng pagbubuntis niya yun. Regular din ang pagpunta namin sa OB niya. Para sa check up niya. Glad to say na lumalakas na yung bata. Sinunod kasi namin lahat ng bilin ni dok.
"Look babe, sorry. Baka kasi masira lang, so I ate it. Don't worry, I'll buy you nalang?" Saka ko niyakap si Lauren. Naramdaman ko namang sumiksik lang siya sa leeg ko. Ganyan talaga to kapag inaatake ng tantrums.
"Sorry! Hay. Grabe na pagiging OA ko." Sabi ni Lauren. Napangiti naman ako. Ganito talaga kami. Mang'aaway siya tapos magbabati naman ulit.
"Nako okay lang babe." Saka ko hinalikan si Lauren sa noo. Ngumiti lang siya sa akin pabalik.
Napatingin ako sa tiyan niyang lumalaki na. Hinawakan ko yun.
Masakit man sa'kin na hindi ako ang tunay mong daddy, wag kang mag'aalala ha? Hinding hindi mo mararamdamang hindi kita tunay na anak.
[Lauren's POV]
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETED
RomansaHow can you forget your ex boyfriend when you are about to bear his child?