Chapter 90 Part IV

11.4K 215 18
                                    

This is the last Part. Thank you for Reading. Sana po, Masuportahan nyo ang bago kong novel na 'To Reach You.' I promise na magugustuhan nyo din po iyon. Maraming Salamat sa mga nagbasa nito hanggang dulo.

Paki- hintay nalang po ang Epilogue.  Godbless po!

*

Alex and Travis

 

 

“Bwisit na travis talaga un!” sigaw ko pagkatapos ay gumulong-gulong sa kama, Ibinaon ko ang mukha ko sa unan, Ilang araw nalang ay anniversary na namin, Wala bang planung umuwi ung gagong un para manlang kumustahin kung humihinga paba ako dito? Peste talaga! Peste!


“Alex, bakit ka nakabusangot?” tanung ni Chris habang nakaharap sa laptop nya. Umismid ako kachat nya siguro si Brian, Tss! Mabuti pa ang babaeng to!

“Ung kuya mo ba, May sinasabi kong may planu syang umuwi?” tanung ko sa kanya.

Umiling-iling sya. “Nung isang araw kachat ko si Kuya, Wala naman syang nababanggit sakin. Ang sabi ko nga magpahinga naman sya pero hindi naman sya sumasagot ng diretsyo kapag tinatanung ko, Ewan ko ba dun. Masyadong subsub sa trabaho.” Utas nya.

Gago talaga.

Binalingan nya ako. “Wala ba kayong contact?” tanung nya.

Umirap lang ako. “May problema ba kayo?” tanung nya ulit. Umiling-iling ako pagkatapos ay tumagilid at tinalukbong ang kumot sakin.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko, Ilang taon na si Travis doon sa America, Kainis lang! Wala bang plano ang travis na un para saming dalawa?

Hindi kaya mag nakilala na syang iba doon sa america?

Umiling-iling ako pagkatapos ay tumayo sa kama.

“Oh. San ka pupunta?” tanung ni Chris.

“uuwi na. Sa bahay ako matutulog.” Utas ko pagkatapos ay nagsimula ng maglakad ng madinig ko ang pamilyar na boses sa likuran ko.

“Si Alex andyan?”

Agad akong napalingon.

Nakangiting binalingan ako ni Chris. “Si kuya oh. Online. Gusto kong makausap.” Aniya.

Sumimangot ako.

“Next time nalang. Wala ako sa mood.” Utas ko pagkatapos ay tumalikod na at lumabas ng pinto. Bumuntong-hininga ako. Pagkatapos nyang hindi magparamdam sakin ng ilang araw, sabay ganun? Baliw pala sya eh!

Naglalakad ako papuntang bahay ng magring ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ko at agad na sinagot.

“Hello?” Pagalit na utas ko.

Isang malamig at malambing na boses agad ang sumalubong sakin.

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon