Party Chef vs. Chief Cook (Part II)

652 15 0
                                    

PCvsCC (Their Personal Life)

Martin's POV

prente akong naka upo sa love seat ng kwarto ko habang umiinom ng kape .. kakatapos ko lang mag impake ng ilan pang mga gamit na dadalhin ko ..

HAAAAAAAY! buntong hininga ko, konti nalang hindi na ako sasakay ng barko, sisimulan ko na ang plano kong mag business nalang dito sa pinas ng coffe shop hmmm ano nga bang magandang pangalan ..

hmmm oh mukhang malalim ang iniisip ng bunso ko ha .. nagulat ako ng biglang nag salita si ate mau sa my awang ng pinto .. pasok ka muna ate, pag aaya ko dito .. agad naman syang pumasok sa loob ng kwarto ko at umupo sa isa pang love seat sa harapan ko ..

mukhang malalim ang iniisip mo tol ha .. naabala ba kita hehehe, nakita ko kasing naka awang ang pinto ng kwarto mo kaya nakita kita, kaya tumuloy na akong sumilip .. paliwanag ni ate

naku ate mau hindi naman ganun kalalim, iniisip ko lang kung sapat na ba yung perang naiipon ko para mag tayo nalang ako ng business dito at hindi na sumampa ng barko,

"oh eh ikaw naman ang nakakaalam nyan tol savings mo yan ee .. kung sa tingin mong kaya mo ng mag simula ng business edi simulan mo na .. wag ka mag alala andito lang kami palagi ni mama at bunso para sumuporta sayo .. at si papa naman andyan lang yun sa tabi tabi mag mamasid nag babantay"

"sa tingin mo ate mau maganda ba kung ang ipangalan ko sa magiging business ko ee 'Cafe M4RN, Coffe, Bread, Cakes, and Pastry' pag iiba ko ng topic at habang sinasabi ko ang naisip kong pangalan ee sinabayan ko pa ng konting action ..

"M4RN? ano namang ibig sabihin nun? kunot noong tanong ni ate mau

M4 stands for
Melissa (my mom's name)
Maureen
Martin
Marvin

R stands for our surname

N stands for Nigel (my father's name)

para magkakasama pa din tayo hehehehe
sabi nga ni papa nung nabubuhay pa sya diba mas masaya kapag magkakasama

A/N: Trivia

pansinin nyo ang pangalan ng mag kakapatid nag sisimula sa M, at my letter R sa gitna at nag tatapos sa N .. nung nabubuhay pa ang daddy nila ay sya ang umisip ng mga pangalan nilang magkakapatid M dahil sa pangalan ni melissa gusto nyang mauna ang pangalan ng kanyang asawa dahil sa dahilang lagi nyang inuuna ang lahat lahat kay melissa at si melissa ang naging centro ng buhay nya .. kaya my R sa gitna dahil sa kanilang apelido na ibinigay at dinadala nilang apat .. kaya nasa dulo ang N ay dahil sya ang tumatayong ugat noon sa pamilya nila nung nabubuhay sya kaya nasa dulo ang 1st letter ng pangalan nya .. un lang eching eching lang yan hahahaha mema bye na kwentuhan na ulit

sabagay naalala ko nga un tol .. hay nako bakit ba kay tatay napunta ang usapan natin namimiss ko tuloy sya .. malungkot na tono ni ate mau ..

nagkatinginan kami ni ate mau nung pareho kaming maka ramdam ng malakas at malamig na ihip ng hangin na parang yumayakap sa amin..

tay naman walang takutan sabi ni ate mau habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto ko .. nawala din naman kaagad ang malamig na hangin at bumalik na sa normal ..

tama ka nga ate mau .. si papa nigel nandyan lang sa paligid .. nag mamasid, nag babantay, nakikin-- eh? ate naamoy mo ba yu-- mabilis pa sa alas kwatro kaming napatayo ni ate mau

omygosh! kinikilabutan ako-- bakit amoy kandila?

*doors open*

*foot steps*

Pastry Chef vs. Chief Cook (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon