L.U.S.T (One Shot)

9.7K 95 8
                                    

"WHAT!?" Napatingin sa paligid  si Sharelle dahil sa nagawang pagsigaw ng kaibigan niyang si Amy. Nasa coffee shop sila ng mga sandaling y'on. Pinapunta niya ito dahil gusto niya sanang tulungan siya nito sa planong naiisip niya.

"Ang OA mo naman, Amy" sabi niya habang pasimpleng sinisenyasan ang kaibigan na pinagtitinginan na sila ng mga tao. Pasimple naman nitong nilibot ang paningin at dahan-dahang umupo.

"Seryoso ka sa plano mo?" pabulong na sabi nito. 

Tumango naman siya bilang kasagutan sa tanong nito.

"You're crazy!" Pabulong pa rin ang salita nito pero may diin iyon. 

"E y'ong lang naman ang naisip kong paraan para mapansin niya ako" Kinindatan niya pa ito. Napapikit ito na parang pinipigil ang sarili na mapasigaw uli.

"By seducing him?!" Parang hindi makapaniwalang sabi nito.

"Exactly my dearest friend" Ngumiti pa siya ng nakakaloko dito na akala mo proud sa naisip na plano.

"Baliw ka na nga, Sha! Paano kung may mangyari nga sa inyo at mabuntis ka niya ha?" Halata ang pagaalala sa boses nito. Naisip niya na rin naman ang bagay na iyon kaya nga ang akitin ang pinsan nitong si Ace ang nagging plano niya. Matagal na siyang may gusto sa binata pero parang invisible siya dito at hindi man lang ito tumitigin sa kanya kapag nagpapapansin siya. Hindi niya alam kung anong kulang sa kanya, maganda naman siya, sexy, talented din siya dahil magaling siya magpinta, hindi naman siya bobo. Napatingin naman siya sa kanyang dibdib.

May laman naman siya 'a!  Hindi naman siya nagkulang sa blessings!

Ano pa bang kulang sa kanya para hindi mapansin ng isang gaya ni Ace. 

"Edi panagutan niya ako, Oh diba edi sakin na siya" Muli niyang kinindatan ang kaibigan.

"Sha, ayokong masaktan ka. You're my bestfriend at hindi ako papayag na masaktan ka lalo na ni Ace kahit pa pinsan ko siya. I know him, Sha. Ni minsan ay walang tumagal na relasyon sa kanya. He has flings and one night stands, I guess. Hindi siya naniniwala sa commitment, sa pag-ibig, sa kasal. He loves his freedom so much." Napabuntong hininga ang kaibigan matapos nito magsalita.

"Pinsan mo ba talaga siya o kaaway? Kung maidescribe mo naman siya parang suklam na suklam ka, Amy. Paano pa kaya kung nagging kaaway mo talaga siya 'no?" pagbibiro niya dito.

Alam niya naman ang lahat ng iyon tungkol kay Ace pero hindi pa rin niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya magawang iwasan o ituon ang atensyon sa ibang lalaki. Ito pa rin ang gusto niya kahit na magging ito man ang pinakamasamang lalaki sa mundo.

Weird nga siguro ako ani niya sa sarili.

Maya-maya lang ay nakarinig sila na may tumutunog. Parehas silang napatingin sa kani-kanilang bag. Magkaparehas kasi sila ng ringtone kaya hindi nila parehas alam kung kaninong phone ba ang tumutunog. Nang mapansin niyang parang hindi naman sa kanya y'on ay tumigil na rin siya sa paghalungkat, nakita na rin kasi niyang pinindot ni Amy ang phone nito upang sagutin ang tumatawag dito.

"Ha? Sige. Thanks" Narinig niyang sabi ng kaibigan sa kausap nito sa kabilang linya. "Sha, I have to go na tapos na rin kasi ang lunch break ko at kailangan ko na bumalik sa opisina" Kinuha na nito ang bag at nagbeso sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya ng tuluyan na itong makalabas ng coffee shop.

Nakarinig na naman siya ng tunog at sa pagkakataong y'on alam niyang sa kanya na ang tumutunog. Napatingin siya sa screen ng phone, nagtext si Amy.

"Kung ano mang pinaplano mo, wag mo ng ituloy. Ayokong magaya ka sa ibang babae ni Ace." 

Pagkabasa niya ng text ng kaibigan ay ibinalik niya ng muli sa bag ang kanyang phone. Inubos na lamang niya ang inorder bago umalis.

L.U.S.T (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon