C1

6 1 0
                                    

Makikitang pumasok si Joey sa banyo para maligo. Nadaanan ang asawang nagluluto ngunit hindi na nag abala pang batiin ito ng 'magandang umaga, mahal!'tulad ng ginagawa nito noong una pa lang silang nagsasama.

Maaamoy sa pagkakataong ito ang mga sangkap na inilagay ni Josephine. Bawang at sibuyas. Pag katapos ay inilagay ang mga tangkay ng kangkong bago isunod ang iba pa.

Naihain na niya ang umagahan nila bago pa man matapos ang pagligo ni Joey.

Nagsimula silang kumain ng tahimik. Hanggang sa hindi na niya nakayanan at binasag ang katahimikan.

"Nagpapasundo si Angela"

Napahinto naman ang kausap sa pagsubo ngunit nakabawi rin naman kaagad.

"M-mamaya ay susunduin ko."

Pagkatapos ay nagpatuloy ang katahimikan. Sandaling pinagmasdan ni Josephine ang asawang minahal.

Payat.
Lubog ang mata. (Nangingitim ang gilid nito)
Humpak na mga pisngi.
Hindi tamang paggalaw ng mga panga.

'Wala na nga ang lalaking mahal ko'

Naiiling na sabi niya sa sarili. Tumayo siya kahit hindi pa tapos ang kinakain. Baka hindi niya mapigilan at siya'y maiyak na naman.

~~

Madilim na ang paligid pero gising pa rin ang mag asawa. Makikita ang pagsuot ni Joey ng sumbrelo at tumungo sa pinto.

"Alis na ko Jo"

"Sige, mag ingat ka"

Tumango lang ito at lumabas ng pinto.

Napaupo si Josephine, at umiyak mahina. Mukhang hinang hina ang isang ito.

Ilang sandali ay makakarinig ng isang putok sa labas. Nasundan ng pagtahol ng mga aso sanhi para magising ang iba pa.

Tuluyan nang nilakasan ni Josephine ang mahinang hikbi.

My EmeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon