CHAPTER 5
Araw-araw, gabi-gabi ay pinapagalitan ako ng mudra kong hilaw. Sabi nya puro daw kapalpakan ang ginagawa ko nitong mga araw, dati naman daw ay hindi ako ganito. Nung nakaraan, nasunog ang sinaing ko, then last day ay lasang dagat naman ang niluto kong ulam, at kagabi ay mas maitim pa sa singit ni Marisa ang pinirito kong isda.
"ano bang nangyayare sayong bata ka at nagkakaganyan ka?" singhal sa akin ng mudra kong uncooked.
Di na ako sumasagot sa kanya dahil kahit sabihin ko man ang side ko at ang opinyon ko ay hindi nya parin ako paniniwalaan. Para nga syang mga troll sa facebook dahil kahit anong sabihin ko ay di sya naniniwala at may sarili syang pinaniniwalaan. Di nya alam na nagkakaganito lang naman ako na wala sa aking ulirat dahil lang naman kay Drake. Ehihihi! Imbis na ma inspire ako ay nagkapalpak palpak ang mga gawain ko sa bahay! Hihihi!
Minsan kapag lugi si inay Maring sa kanyang panindang isda sa palengke, kung hindi ako ay ang pusa namin ang kanyang pinagdidiskitahan. Kase ang pusa namin ay wala din talagang good moral values. Napaka dirty cat nya, kung saan-saan nalang tumatae at umiihi. Alam nyo naman ang amoy ng tae ng pusa, tumatambay din talaga sa ilong kapag naamoy mo yun. At dagdag mo pa, nag-uuwe pa yun ng patay na daga, patay na palaka, minsan nga diaper pa ng bata.
Dahil sa bad trip ang inay Maring ko nun kase sya lagi ang taga-linis ng dumi ng malandi naming pusa, nang nakita nya na may tae na naman ng pusa sa ilalim ng lababo namin ay hinablot nya ang natutulog na na walang kamuwang muwang na pusa at sinubsob niya lang naman yung nguso nito sa poo-poo nya, para daw magtanda at di na ulit dumumi sa loob ng bahay.
-
Isang araw din ay nag-away kami ni Marisa. May nabalitaan lang naman sya sa kapitbahay naming daig pa ang cctv kong magbantay sa akin. Sabi nung chismosa naming neborhod ay palagi nya daw nakikitang magkasama kami ni Drake. Tuwing hapon daw ay nasa plaza kami at namamasyal, tas naglalandian daw kami dun. Sabi pa ni Marisa ay bakit ko daw sya inaagawan ng exposure kay Drake nya. Kung makaangkin sya kay Drake parang alipin nya ahhh!
"ayaw kong dumikit-dikit ka kay Drake ko ahh... once na makita pa kitang dumidikit kay Drake.. ilalampaso ko ang mukha mo sa sahig na to" pag bilog ng mata ng kapatid kong di luto sa akin.
Malakas lang naman ang loob nyang makipagtalo sa akin kapag wala si itay Juancho, at mas lalo syang nag mumukhang demonyo kapag wala ang mudra nya. Minsan kase nasusura na din ang nanay nya sa kanyang kagagahan. At sa time na yun na tinalakan nya ako ay wala ang inay Maring sa bahay, dahil busy ang peg nya sa palengke at si itay Juancho naman ay kina carrer ang work as company driver.
"tandaan mo yan Victorina Kampupot, pag ikaw lumapit-lapit pa kay Drake ko... gagawin kong mop yang mukha mo sa sahig na to" hawak nya braso ko.
Napabitaw naman si Marisa sa aking braso at syang pareho naming tingin sa pintuan nang may boses na biglang sumingit.
"talaga?" turan ng lalake. "gagawin mo yan sa bebe Vicky ko?" pag grand entrance ni Drake sa loob ng bahay.
Halos mailuwa naman ni Marisa ang kanyang mga mata dahil sa gulat at pagkabigla. Para na ring sumayad ang kanyang panga sa sahig dahil sa kanyang pag star struck sa bebe Drake ko.
Oo bebe ang tawagan namin ni Drake dahil officially on na kame. Yeah that's right!! Kami naas inn, bf ko sya at gf nya ako! di naman malandi ang ang ate Vicky nyo ano po?! Sinagot ko na sya mga beshie, malay nyo.. mapagod sa kakaligaw sa akin, at mapunta sya sa iba, at dahil na din sa for the first time in forever at gusto kong ma feel kung paano magka jowa kaya sinagot ko na sya after two weeks nyang panliligaw sa akin. At guess kung saan kami nagliligawang dalawa? Syempre sa plaza, para mas madaming makakita sa aming mga chismosa at madami dami din silang ma chismis sa clan nila. Minsan nga sa twing nakikita nilang magkasam kami ni Drake ay diring diri sila sa amin, kaya ang ginawa ko ay mas lalo pa akong nagdidikit at nag pa-pabebe twing magkasama kami ni Drake para mas lalo silang maluka at mandiri.
KAMU SEDANG MEMBACA
Mahirap Kapag Chaka (Under Revision)
HumorChaka ako sa kanilang paningin. Mula nang isinilang ako ay tinalikuran na ako ng mundo at puro kamalasan lang ang napunta sa akin. Siguro nung umulan ng kamalasan ay sinalo ka lahat! OO!! ang hirap maging panget! mahirap kapag chaka ka, lahat na ng...