Masaya kaming lahat ng maideklara ang mga nanalo sa competition na yun. It was our first time at hindi namin inaasahan na mag se- second runner up kami. Yung grupo nila Ryan at Alexa ay walang duda na sila ang champion.
"Victory Party lezz go!" Excited ang mga kaibigan ko na naglalakad papunta sa parking lot habang nagsisisigaw sa saya.
"Monique, sakin ka na sumabay ah. Nasa kabila yung kotse ko." Sabi ni Jayvee kaya sinundan ko naman siya.
"Nag-dala ka pala ng kotse mo? Kasya naman tayo sa sasakyan ni JM." Komento ko.
"I plan this ahead nikky." Sabi niya at nginitian ako.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok nako ng kotse. He's a gentleman as always.
"Plan?" Curious kong tanong.
"Hindi tayo sasama sa victory party ng school. Alam mo bang ang hirap pakiusapan ni Anne?"
"Huh, bakit hindi?" Pagtataka ko.
"Maraming nagiging curious sayo, ayoko lang ng nakakarinig ng kung anu- anong walang kwentang bagay behind your back." Bakas sa boses niya ang pagkainis. He was the one who heard those girls who called me possesive witch, that's why.
"Eh ano naman yung kay Anne?" Tanong ko.
"Overprotective sayo, dapat nga hindi yun sasama sa victory party eh. Samahan nalang daw niya tayo kasi baka may gawin ako sayo. Ewan ko nga kung kaibigan ko ba talaga siya."
Napatawa naman ako.
"Alam mo naman yun, so saan tayo pupunta? Don't tell me na ihahatid mo nako pauwi?" Tanong ko
Napangiti naman siya.
"Ihahatid na nga kita." Sabi niya
"What?" Di ko makapaniwalang tanong at tumingin nalang ako sa labas ng bintana.
Naramdaman ko naman na hinawakan niya yung isa kong kamay kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit?" Tanong ko.
"I bought some drinks for us. Wag kana magtampo." Sabi niya at ikinangiti ko naman.
"Di ako matampuhin no." Sabi ko.
"Knowing you Nikky?" Tanong niya na may hindi makapaniwalang boses. Gosh he's teasing me.
"Ewan ko sayo." Natawa nalang ako. How I miss this. Ganito kami dati. We're so close. He knows me very well.
Nang makarating na kami ng unit ko ay nagshower muna ako habang nanonood siya ng TV. May inaabangan siyang replay ng basketball game na hindi niya napanood kaninang umaga.
"Akala ko nanood ka?" Tanong ko ng makalabas ako ng kwarto.
"Nikky isang oras ka kaya nagshower. Tapos na yung pinapanood ko akala ko nga nakatulog kana eh." Sagot niya.
"Grabe ka. Di naman ako antukin." Depensa ko.
"Kung magsalita ka parang di talaga kita kilala." Natatawa niyang sabi.
"Oo para talagang di mo ko kilala, kase bakit vodka yung dala mo?"
"Victorious tayo eh."
Hindi ba dapat wine?
Inumpisahan na namin. Nung una puro tawanan ang ginawa namin, nagkwentuhan kami ng masasayang memories. Tapos mga nakakatakot na experiences and now about love naman.
"Okay lang ba sayo pag- usapan yung tungkol sa inyo ni Ryan?"
Nag- nod lang ako.
"Tanong ko lang ha? Bakit ngayon mo lang naisip sukuan si Ryan. Dapat noon pa."
Medyo nawawalan nako sa wisyo pero hangga't kaya, magke- kwento ako.
"Alam mo Jayvee, sa tingin ko mahal ko na si Ryan ng hindi ko namamalayan kahit pa nung mga panahong bago pa dumating si Alexa." Umpisa ko.
"Pansin naman namin yun, kaibigan mo kami. Kami lagi niyong kasamang dalawa. Halata naman na iba yung saya mo kapag si Ryan yung kasama mo."
Napangiti naman ako ng maalala yung masasayang memories. Kahit simpleng ganap lang sa school tini- treasure ko yun kasi alam kong kahit walang espesyal na mangyayari, yung taong espesyal sa akin yung importante.
"Pero dumating pa si Alexa." May panghihinayang sa boses ko.
"Madami ngang nagbago sa pagdating niya." Komento ni Jayvee.
"Lalo na si Ryan. Ambilis niyang nagbago. Akala ko kilala ko na siya ng lubusan, hindi pa pala. Kasi ang akala ko noon hindi siya gagawa ng isang bagay na alam niyang makakasama sa kanya. I thought he's really a good guy with no bad habits."
"Si Alexa naman dahilan non diba?"
"Yun nga eh, four months ago nung magkakilala sila. Dun na siya nagumpisa magclubbing, drinking and smoking. Ginawa ko naman yung makakaya ko kahit napapahiya nako eh. Remember that day? Nung tinawagan ako ng kaibigan niya para sunduin siya kasi sobrang hindi na niya kaya. 2AM in the morning pinuntahan ko siya sa isang bar at nung maabutan ko siya don at niyayang umuwi. All his friends nakastand by lang at pinapanood kami. What he did is, tinulak niya ako palayo sa kanya. Nagulat ako sa ginawa niya pero yung mga bago niyang mga kaibigan nagsisitawanan pa. Lagi nalang niya akong pinapahiya sa harap ng mga yon at tinatanggi na kilala niya ko."
"Isipin mo nalang na ako si Ryan ngayon." Sabi niya at niyakap niya ako. "Isipin mo nalang yung masasayang moments, Nikky. Maging masaya ka."
BINABASA MO ANG
COMEBACK 1: Monique and Ryan (Completed)
Historia CortaHighest Rank: #52 in Short story Date Started: June 22, 2017 Date Completed: June 25, 2017 15 Parts Lets find out what would be the decision of Monique when she is in a dilemma of choosing between love and friendship. What would be the outcome, a re...