Part 7

1.5K 31 0
                                    

Nakatulog nako ng hindi ko namamalayan kagabi, pero paggising ko ngayong umaga wala na si Jayvee. Pero mukhang siya na naman ang una kong makikita ngayong araw.

"Oh bakit nandito ka?" Nagtaka ako bakit nandito si Jayvee ng kaaga- aga.

"Wala man lang bang Good Morning muna?" Sabi niya at diretsyong pumasok ng unit ko.

"Ikaw lang mag- isa?" Sinilip ko pa yung magkabilang side sa labas ng unit ko bago tuluyang pumasok ng wala akong nakita.

"May nakikita ka pa bang iba Nikky? Ako lang to' Me, Myself and I." Sabay kindat.

I rolled my eyes at nilagpasan siya.

"Oh eh ano yang dala mo?" Tanong ko ulit.

"Soup yan, good for hang over. Kain na tayo gutom nako." Sabi niya at kumuha ng bowls para sa aming dalawa.

Pinagmasdan ko lang siya na nag- prepare ng kakainin namin. Medyo di parin kasi ako okay.

"Nga pala, may plans ka ba tomorrow?" Tanong niya

"Wala naman."

"Invited kasi ako sa debut. Samahan mo naman ako."

"Saan?"

"Sa Woodridge hotel."

"Hmm." Patuloy ako sa pag-kain.

"Sasamahan mo ko ah. Kailangan kasi ng ka- date kapag pumunta don."

"Bat di mo isama yung girlfriend mo? Shell ba pangalan nun?"

"What? Di ko siya girlfriend at di Shell ang pangalan niya. It's Belle."

"Ah eh nasan si Shell?"

"Belle."

"Fine, belle. Where is she?"

"I don't know? Just come with me."

"Fine, whatever."

Nakita ko naman yung ngiti niyang asset niya talaga.

"Wag ka ngumiti ng ganyan, ang panget." Sabi ko ng seryoso pero syempre biro lang iyon.

"Wow ah. Ang ganda mo ah." Bawi niya.

"Gusto mo nga ako maka- date eh. Crush mo ko noh?" Pagbibiro ko.

"Matagal na." Sabi niya at tumayo.

"Oyyy, sabay mo na tong bowl ko sa huhugasan mo."

"Ang tamad mo Nikky!"

Napangiti naman ako at nilapitan siya. I pinch the tip of his nose.

"Maganda naman ako eh." Sabi ko sabay tawa.

Sa kanya lang ako nagbibida ng sarili ko. Natatawa nalang ako pag naaalala ko yung sinasabi ko sa kanya pag mag- isa nalang ako.

Simple lang ang naging buong araw ko. Pero may kakaiba sa dapat normal na weekend ko. Kasi pabalik balik si Jayvee dito. Una nung breakfast tas bumalik siya ng lunch na may dala nanaman na pagkain tapos naghatid din siya ng dress ko for tomorrow's event.

At sa tingin ko siya nanaman yung kumatok kaya pinagbuksan ko agad.

"Nandito ka na--" Naputol yung sasabihin ko ng makita si Alexa sa harap ko.

"Sino bang ini- expect mong darating?" Tanong niya

"Anong pinunta mo dito?"

"May dapat lang akong kunin na pagmamay- ari ko."

"Huh?"

"Yung spare key ng susi ni Ryan. Give it to me."

"I threw it away." I said then I smirked.

"Give it to me, witch!" Sigaw niya at hinatak yung buhok ko, hindi naman ako nagpatalo at sinabunutan ko din siya.

"Hey! Stop it Alexa." Narinig kong sigaw ni Jayvee at hinatak si Alexa palayo sakin.

"Wag kang mangielam." Sabi niya and she even point a finger to Jayvee's face. Sa sobrang inis na naramdaman ko sa ginawa niya ay mabilis ko siyang sinugod at sinampal. Yes, I slapped her hard. She deserve that dahil binastos niya yung kaibigan ko.

"How dare you, pagsisisihan mo 'to." Iyan ang mga huling salitang sinabi niya bago siya mag walk out.

COMEBACK 1: Monique and Ryan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon