The Heiress - Chapter 32 (Ang Paglilitis Prt. 3)

248 9 0
                                    


Magkalipas pa ang mga tanong ni Atty. Jacqui ay natapos na din siya at bumalik sa kanyang upuan. Sumunod namang tumayo si Atty. Villanueva at lumapit kay Alvin.

"Mr. Francisco. Nung nahanap mo si Mr. Dy o si Mr. Hidalgo na ngayon, saan mo siya dinala? At ano ang ginawa mo sa kanya??"

"Kinuha ko siya at dinala sa malayo"

"Tapos?"

"Pinaniwala ko ang nanay at ang pamilya niya na patay na siya at binigay ko ang maling bangkay sa kanila. Ang sunog na bangkay ng isa sa mga lalaki"

"At ilang taon mo siyang tinago?"

"Mga tatlong taon, your honor"

"Sa makatuwid, ikaw ang tunay na kumidnap sa kanya, Mr. Francisco. Tatlong taon mo siyang tinago sa pamilya niya at inangkin na parang iyo"

"OBJECTION! The question is misleading"

"Sustained"

Pero sinagot pa rin ni Alvin ang tanong sa kanya ng abugado. "Oo. Inaamin ko na tinago ko siya sa kanyang pamilya pero hindi ko siya sinaktan o pinahamak ang buhay niya. Kundi minahal ko ng sobra pa sa buhay ko" at tumingin muli siya kay Jeff habang tumutulo ang kanyang mga luha "Kaya Jeff, humihingi ako ulit ng tawad sa'yo. Sa mga nangyari sa atin noon. Naging makasarili ako sa pagmamahal"

"No more futher questions your honor" sambit na lamang ng abugado ni Madam Jean.

Napatango na lamang si Jeff sa sinabi sa kanya ni Alvin habang nanlulumo ang kanyang mga mata.

Sumunod na tinawag si Madam Jean na pumunta sa witness stand. Unang tumayo si Atty. Villanueva para magtanong.

"Madam Jean. Ka-anu-ano mo ba si Jeffrey Dy?"

"Kapatid ko siya sa ama, your honor"

"Malapit ba kayo bilang magkapatid?"

"Hindi po, your honor" sagot ni Madam Jean "Kasi inaaway niya ako kahit nung una kaming nagkita"

"Kailan ba ang unang pagkikita ninyo?"

"Nung pinakilala kami ni Daddy noon sa kanila" kuwento niya sa hukuman "Pagkatapos noon ay mapait na ang pakikitungo niya sa akin"

"So Madam. May katotohanan ba ang mga paratang nila na ikaw daw ang nasa likod ng pagkidnap nina Jeffrey Dy at Nathan Rodgers, labing-isang taon na ang nakalipas?"

"No your honor. Pawang kasinunggalingan lamang ang sinasabi nila"

"Ano naman ang sa tingin mo ang dahilan kung bakit nila pinipilit ang paratang nila?"

"Dahil may lihim nga na galit sa akin ang aking kapatid na si Jeff"

"Pwede ko bang malaman kung ano ito?"

"Maliban na anak ako sa labas, nagagalit siya sa akin dahil binawi ko sa kanya ang negosyo n gaming pamilya" paliwanag ni Madam Jean "Binawi ko sa kanya dahil hindi niya na namumunuan ng maayos ang negosyo na binigay sa kanya"

"At iyon ang dahilan kung bakit ka niya pinaparatangan?"

"Opo your honor"

"Well... my last question, Madam. Ano ang relasyon mo kay Police Chief Inspector Marc Alvin Francisco?? Totoo ba na magkasabwat kayo sa pagkidnap sa kapatid mo?"

The Heiress (A CHINITO BOOK III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon