(🔝 Photo of Caleb Evangelista🔝)
Umuwi ako sa bahay nang malungkot, ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon ganito pa rin ang epekto sa akin ni Caleb.
Alam kong mali ang magkaroon nang pagtingin kay Caleb dahil mayroon na kong Luke. Pero tao lang ako, minsan tanga, minsan nagkakamali.
Pero alam ko namang ang tama at mali. Kaya dapat gawin ko yung tama, yun ay pagtibayin ang relationship namin at mahalin si Luke gaya nang pagmamahal niya sa akin.
Naputol ang aking pagdadrama ng marinig kong may nagdoor bell. Agad naman akong bumaba at sinilip kung sino yon.
Nakita kong si Hanna yung nasa labas, may dalang foods, kaya walang pagdadalawang isip ay pinagbuksan ko siya ng pinto.
"Hi besty!! Busy ka ba today?" Tanong niya.
Pinapasok ko na siya. At doon ko lang napansin na pizza, soda, chips, burger, fries at pizza ulit, ang dala dala niya.
"Nope! At ano ba kasing balak mo at ang dami mong dalang pagkain?" Tanong ko kay Hanna.
"Well, I just want to make bawi bawi for the days na wala ako sa tabi mo. You know making things right." Sabi niya.
"Edi tara na sa room, nood tayong movie." Suggestion ko.
"Wait nasaan pala sila Tita?"
"Ah pumasok sila, mamayang hapon pa uwi nila."
Nakalimutan ko nga palang sabihin kay Hanna na parehas silang store manager ng isang fast food chain dito sa California.
Alam kong hindi madali yung trabaho nila dahil pagsinabing fast food, dapat fast din yung service sa costumers. At yoon ang inaalala ko, medyo may edad na kasi sila.
Kaya bilang nag-iisang anak ay mas pursigido akong makahanap ng trabaho sa madaling panahon.
"Try natin tong The Green Inferno, mukhang thrilling siya." Sabay pili ni Hanna.
"Edi sige yan na lang." Pag-agree ko sa kanya.
Hindi naman siya horror base sa synopsis. Isa siyang adventure ng isang group ng mga student na nais isave yung tribe na malapit ng madestroy gawa ng pagsira at pagtrespass ng government sa community ng naturang tribe.
Ang kaso noong aksidenteng bumagsak yung plane na sinasakyan nila ay doon na nagsimula ang kanilang kalbaryo. At yoon ay isa isa silang kainin ng buhay ng mga taong tribo.
"Ewww kadiri!!" Sabi ni Hanna.
"Hmmm yum yum yum!" Pang-aasar ko sa kanya.
At natapos namin yung movie na puro yuck, eww, fvck ang bukang bibig ni Hanna.
"Besty salamat sa time na binigay mo sa akin ngayon ah." Malungkot niyang sabi sa akin.
"Oh bakit mukhang problemado ka?" Pagtatanong kay Hanna.
"Eh kasi naman yung fiancé ko mukhang bumalik na naman sa pagiging cold, yung dating siya." Pagtatapat sa akin ni Hanna.
"Tinanong mo ba kung may problema siya?"
"Oo, tinanong ko siya kung may problema ba. Pero hindi naman siya umiimik, para bang hangin lang ako sa paligid niya."
"I think kailangan niya muna ng space, para makapag-isip isip siya. Wag mo siyang ipressure na sabihin niya yung problema niya, baka mamaya mas lumaki pa yung quarrel niyo." Pagbibigay ko ng advice sa kanya.
"Hmmm I think you're right Alex, mukhang expert na expert ka na talaga sa love." Pagsang-ayon niya sa sinabi ko.
"Baliw hindi naman, experience is the key hahaha."

BINABASA MO ANG
The Hopeless Romantic Idiot
Fiksi UmumLove, Drama, Bully, Secrets, Sex..... I'm Alex Monterozo, your typical guy, ahmm to be more specific, gay guy. Naghahanap ng love sa mundong punong puno ng kasinungalingan at pagpapanggap. Dapat ko bang hanapin ang love or hintayin na lang? Wha...