Prologue

12 3 1
                                    

Bitbit ang pirasong papel at ballpen, tinatahak ko ang lugar na laging pinupuntahan namin nila mama at papa noong nabubuhay pa sila. Sa isang burol na malapit sa bahay na tinitirhan naming magkapatid na si shoji. Nang makarating ako sa lugar na aking pupuntahan, agad akong umupo at nagsulat ng liham na lagi ko ng kinagagawian kapag may gusto akong sabihin sa magulang ko. Tanaw mula sa pwesto ko ang nagtatayugang gusali ng syudad. Di katulad roon, ang lugar na kinalalagyan naming magkapatid ay malayo sa ingay at usok.

Habang ako ay nagsusulat ng liham para kanila mama at papa, naalala ko nanaman ang sinabi nila sakin dati.

5 Years Ago

" Mama at Papa nasaaan po sila lolo at lola? Kasi po kahapon sa Family Day sa school kasama ng ibang kaklase ko yung lolo at lola nila"

"Ganito kasi yan anak, may sakit sila lolo at lola mo kaya kinuha na sila ni papa God. Pero masaya naman sila dahil nasa heaven sila kasama si papa God " paliwanag ni mama sa tanong ko.

"Sayang naman po mama may gusto pa naman akong sabihin sa kanila" pagtatampong sagot ko

"May alam akong paraan baby Zizi" pang aasar na tawag sa akin ni papa

"Papa naman, alam mo naman pong ayaw ko ng tinatawag ako ng Zizi" nagmamaktol kong sabi sabay simangot na nagpapacute kunwari

Sabay na humalakhak si mama at papa na tila ay lalo akong tinutukso

" Kailangan mo lang sumulat ng letter kay lolo at lola tapos itutupi natin parang Paper Airplane. Palaliparin natin tapos mababasa na nila iyon baby"

Natapos ang pagbabalik tanaw ko ng paliparin ko ang liham ko na tinupi at ginawang papel na eroplano na para kay mama at papa.

Magmula ng mamatay sila sa aksidente last year ay lagi ko ng ginagawa ito gaya ng turo nila sa akin kapag may gusto akong kausapin na wala na sa tabi ko. Tanging kami nalang ng kapatid kong si shoji ang magkasama sa bahay at mag isang tinataguyod ang pangangailangan naming dalawa.

Itong susunod na taon ay kolehiyo na ako at laking pasasalamat ko dahil nakakuha ako ng scholar sa kolehiyong pinapasukan ko dahil Valedictorian ako noong highschool. Buti nalang ay may insurance sila mama at pala kaya kahit papaano ay nabubuhay kami ni shoji. Kahit may business na naiwan samin sila mama at papa nagpa-part time pa din ako.

Tinuro kasi sa amin nila mama at papa na dapat matuto rin dapat kaming maghirap para di kami masanay na walang alam sa buhay.

Nagising ako sa malalim na pagmumuni pabalik ng bahay at di ko namalayan nasa labas na pala ako ng pinto namin. Rinig ko ang boses ni shoji na hinahanap ako.

"Aha! At Ate Zia Aragon saan ka galing? Bat pagkagising ko wala ka? Ganyan na ba ang mga ate ngayon? Bakit wala pa tayong almusal. Gutom na ako ate !"

"Naku ang cute naman ng Baby Shoji ko. Kahit 4 years old ka palang daig mo pa ang matanda hahahahaha "

"Kahit na fowr  palang ako big boy na ako" halukipkip ng isang kamay ni shoji sa kili-kili sabay pakita ng limang daliri na sinasabing 4 years old na daw siya

"Big boy na ba yang baby ko? Eh 5 naman yang nasa kamay mo eh. Di naman yan 4. Tapos dapat four  hindi fowr. Haha  ang baby shoji ko"

"Hala hindi ba fowr to?" Sabay pakita ulit sakin ng limang daliri

"Ikaw ah, di ka nakikinig sa teacher mo!"

"Tsk. Tsk. Mali si chicher  ng turo saken "

"Sinisi pa yung teacher niya. Halika na dito baby shoji. Kain na tayo. Yung favorite mo oh niluto ko"

" Yung  hawtdog na may kasamang kechap? "

" oo, dali na kain na bunso, pagkatapos mo diyan papasok pa ako sa part time tapos ikaw maiwan ka ulit sa shop natin"

"Aye! Aye! Ate ! "

.....................................................

Pagkatapos kong paliguan si shoji ay binihisan ko na siya at eto na kami sa garahe ng bahay para ihatid sya sa shop namin.

"Ate weyt lang. Yung ispangebab ( spongebob) kong shoes susuot ko pa! "

" Bilisan mo shoji! Late na ako"

" eto na ate ! Jaraannnnnn!!! " sabay pakita sakin ng suot nyang damit na may hoodie at may disenyong spongebob. Pati short at shoes ay spongebob din.

" eto helmet shoji suot mo na para makaalis na tayo "

"Aye aye ate!"

Mabilis kong pinatakbo ang motor at sanay naman na si shoji na nakakapit sa likod ko. Pakanta kata pa sya ng paborito niyang cartoons.

*shoji sings spongebob theme song*

Matapos ko siyang maihatid sa shop namin ay nagtungo na ako sa trabaho at magsisimula nanaman sa panibagong araw  buhay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paper AirplaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon