CHAPTER 6
Sa bilis ng araw ay di ko namalayang mag o-one month na pala kami ni bebe Drake ko. Ohh di ba, chapter 6 palang pero naka 28 days na kami in relationship.
In that 28 days ay minsan nasa bahay nila kami pero wala kaming ginagawang kahalayan dun ahh! Dun lang naman kami dahil Im helping him to do his final requirements. Alam mo naman graduating na si bebe Drake ko, at need nya ang skills ko through writing. May requirements kase ang bebe ko na gumawa sila ng autobiograpy nila at gaano nila na enjoy ang college days nila. Syempere aminado ang bebe Drake ko na hindi sya kagalingan sa pag gawa ng mga essay na ganyan ay to the rescue si ako. Minsan ako din taga gawa ng mga iba nya pang final requirements sa school,ako ang taga compute ng mga assignment nya sa isa nyang subject na related sa math. Sa madaling salita, ako lang taga gawa ng mga gawain nya sa school. Bilib na bilib nga sya sa akin dahil nagagawa ko yun ng walang kahirap hirap. Ako pa ba?
Minsan kapag wala syang makain sa bahay nila ay hinahatiran ko sya ng foods sa kanilang bahay, at taga punta ko dun ay wala palagi ang parents nya. sinakto nya din talaga na wala ang mga magulang nya du'n, in case na may gawin sya sa akin na kahalayan ay walang witness. Hihihi! Minsan pinapapunta nya din ako sa house nila para magluto ng ulam dahil masarap daw ako mag luto sabi nya, sa bawat may pinapagawa sya sa akin sa bahay nila ay sahod nalang ang kulang! Parang gusto ko na nga ring mag apply bilang katulong nila ehh, extra income!
Kapag nag lalaro sya ng basketball ay ako ang taga bitbit ng bag nya dahil ayaw ko syang mapagod, at kapag nasa court na kami ay pinapauwe nya ako baka daw hanapin ako ng inay ko. Di ko lang din alam kung concern ba sya sa akin o ayaw nya lang na magsama kami o ayaw nya na may makakita sa aming dalawa na magkasama. Kahit ganun pa man ay inuunawa ko sya, ganyan naman kapag mahal mo ang isang tao diba? Gagawin mo lahat para sa kanyang ikakasaya kahit nagmumukha ka ng engot at tanga?
Nung minsang sabay kaming naglalakad ni Drake pauwe ng plaza ay nakita kami ng barkada nya, at nang tinanong sya ng barkada nya kung sino daw ako ay hindi sya makasagot. Ako nga sana ang sasagot sa tanong pero kaagad na tinakpan ni Drake ang bibig ko sabay bulong nya na mauna na daw ako umuwe. At ako naman sunod din sa kanyang utos. Di ko na rin dinadamdam ang kanyang ginagawa sa akin dahil kapag dalawa lang kami ay bumabawi din naman sya sa akin. Nilalambing nya rin ako, kinikiliti minsan sa tagiliran ko, pinaglalaruan nya ang buhok ko, teterentasin nya yun tas minsan ay guguluhin at ilulugay.
Minsan nga matampuhin si bebe Drake, yung tipong ako tong babae ahh, ako yung nanunuyo! Pero dahil sa love ko sya ay lahat gagawin ko, lahat ay hahamakin ko. Tulad nga sa kanta ni Sharon Cunete, kahit ilang tinik ay kaya kong tapakan, kahit ilang dagat ay kaya kong tawirin, kahit ilang awit ay aking aawitin. Ganyan ko ka love ang first boyfriend ko.
At speaking about sa boyfriend mga besh, nalaman na ni pudra ko Junacho ko ang about sa amin ni Drake. Nahuli nya lang naman kaming naglalandian ni Drake sa waiting shade sa plaza. Gabi nun mga beshie kaya hinintuan kami ni itay at pinauwe nya lang naman ako sa bahay namin. at si Drake naman ay namutla dahil sa takot nya sa itay Juancho ko. Sino kayang di mamumutla sa takot kung mala wrestler ang tumambad sa harapan mo di ba?
"Victorina?" si itay. "a-anong ginagawa nyo dyan? At sino yang lalaking kasama mo?" halatang galit si itay pero kalmado ang boses nya. galing nya magdala ng emosyon.
"ahh si.. si..." nauutal kong turan.
"girlfriend mo ba ang anak ko?" tingin ni itay kay Drake na halos sumandal na sa pader ng waiting shed dahil sa kinakabahan lang naman ang lolo nyo. Ni hindi na nga sya makapagsagot sa tanong ni pudra sa kanya.
"girlfriend mo ba ang anak ko?" pag ulit ni itay pero tikom parin ang bibig ni Drake. Di ko lang alam kung takot syang magsalita o kinahihiyanya ako sa tatay ko.
KAMU SEDANG MEMBACA
Mahirap Kapag Chaka (Under Revision)
HumorChaka ako sa kanilang paningin. Mula nang isinilang ako ay tinalikuran na ako ng mundo at puro kamalasan lang ang napunta sa akin. Siguro nung umulan ng kamalasan ay sinalo ka lahat! OO!! ang hirap maging panget! mahirap kapag chaka ka, lahat na ng...