Let Me Know Chapter 13
Caught in a Confession
"Ken, anong flavor iyang ice cream? Patikim nga?" Sabi ni Ace.
"Lumapit ka dito ah." Sabi naman sa kanya ni Ken na nakadapa sa kama.
"Subuan mo ako. Dali." Utos ni Ace sa kanya.
Okay? Dahil sa pinaggagawa ng dalawang ito, napalingon na lang ako sa kabilang side. Nakakaawakward eh. Di ko ba alam kung bakit nawiwitness ng aking mga mata ang ganitong pangyayari.
"Dice." Tawag ni Clay kay Dice na busy sa laptop habang kumakain ng ice cream. Hindi lumingon si Dice kaya tinawag niya ulit ito. "Dice."
"Oh?" Tanong ni Dice pero sa laptop pa rin ang tingin.
"May chocolate ka dito oh." Turo ni Clay sa sarili niyang pisngi.
"Ha?" Di pa rin nakatingin sa kanya si Dice.
"Dito oh." Lumapit na si Clay kay Dice para punasan ang stain ng chocolate sa pisngi ni Dice.
Napatingin na sa kanya si Dice. Nagkatinginan sila. Ano ba 'to? Teleserye ba itong nakikita ko ngayon?
Ngumiti si Dice sa kay Clay. "Salamat tol." He said at binalik ulit ang tingin sa laptop. Huminga naman ng malalim si Clay at bumalik sa pwesto niya.
Gusto kong magtakip ng mata sa nawiwitness ko ngayon. Ito ba 'yung tinatawag nilang bromance? Normal ba 'yun? May nababasa din ako about sa ganoon pero hindi ko akalain na mawiwitness ko ng personal. Tapos sa kanila pa?
"Masarap ba?" Nagulat ako sa tanong ni Clay. Nakatingin lang siya sa laptop niya. Hindi ko alam kung sinong tinatanong niya. "Isang bawas lang 'yang ice cream mo, ayaw mo?" Sabi niya ulit.
Isang bawas lang? Napatingin ako sa mga kinakain ng kasama ko. Halos paubos na 'yung kanila at sa akin, isang bawas pa lang nga.
"Ah...eh..okay lang naman." Sabi ko sabay subo ng ice cream.
"Ayaw mo ba Andrey? Akin na lang." Lumapit bigla sa akin si Ace.
"H-ha? Hindi. Okay lang." Sabi ko naman at sumubo ulit. Nakakahiya naman baka matarayan ako ni Clay.
"Sabihin mo lang kung ayaw mo, ako kakain." Tuwang-tuwa na sabi sa akin ni Ace.
"Sino 'tong Blue?" Biglang sabi ni Dice. Napatingin agad ako sa laptop niya.
"Bakit?" Tanong ko nang makalapit na ako sa kanya.
"Nagpost siya sa page natin. Stop bashing her daw, you don't know the story." Sabi ni Dice habang binabasa ang post ni Blue. "Kilala mo ba siya? Mukhang lalaki." Tanong pa niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?