Chapter 1: Shocked
BAGSAK ang balikat na umuwi si Aithne matapos nilang magshopping ng mga kaibigan niya. Mag aalasingko na nang hapon ng makauwi siya at nadatnan niya ang ina at ang step father na abala sa mga gamit na dadalhin sa mansyon ng step father niya.
"Ma." tawag niya sa ina at binalingan naman siya. Nakita niyang lumapit ang ina sakanya at ngumiti.
"Ngayon na tayo lilipat anak. Inayos na namin ng daddy mo ang mga gamit na dadalhin natin pati na nang mga gamit mo." sabi ng kanyang ina at kahit na kabado ay tumango siya saka kinuha ang sariling maleta na inihanda ng ina para sa mga gamit niya saka sumakay sa sasakyan ng daddy niya. Ilang oras ang binyahe nila mula sa dating tinitirahan at nang makarating sa mansyon niti ay halos lumuwa at malaglag ang panga niya dahil sa laki ng bahay na ngayon ay nasa harapan niya.
"Welcome to our house." masayang sabi ng daddy niya at saka sila pinapasok sa loob ng masyon. Garden palang ang tinatahak nila pero ganun na lang ang pagkamangha niya dahil sa lawak at ganda ng hardin ng mansyon at mukhang gugustuhin niyang tamabayan ang hardin nito. Matapos ang mahabang lakaran sa hardin ay nakapasok rin sila sa mismong bahay ng daddy niya.
"Feel at home sweetie." sabi ng step-father niya saka ngumiti sakanya. Naiilang na ngumiti siyang pabalik rito saka inilibot ang paningin sa kabuuan ng mansyon. At hanggang ngayon ay di padin makapaniwala ang dalaga na nakatayo siya sa maala palasyong bahay nang kayang daddy.
"K-kayo lang ba ang nakatira rito?" sabi niya sa step-father niya. Ngumiti ito at umiling sa kanya.
"I have two sons living here with me." sabi ng daddy niya. Tumango lang siya saka inilapag ang maleta. Kasabay nun ang pagsalita ng daddy niya dahilan para makuha ang atensyon niya.
"My boys is here!" napalingon siya sa daddy at parang nagimbal siya sa nakita! Ang lalaking umangkin sa kanya noong nakaraang gabi lang ay nakikita niya ngayon sa harapan niya! At ang mas masaklap pa ay magkamukhang magkamukha ang dalawang lalaki at maski siya ay hindi alam kung sino sa dalawang lalaki ang umangkin sakanya at ang nasampal niya!
"By the way, I want you boys to meet my step-daughter Aithne, my wife's only daughter." sabi ng step father niya. At nakita niyang parehong nangunot ang noo nang kambal ng makita siya saka nagsalita ang dalawa!
"IKAW?!" sabay na sabi sa kanya ng kambal at napalunok siya ng makita niyang lumapit ang mga ito sakanya.
"Kilala niyo na siya?" takang tanong ng daddy niya. Nakita niyang lukot ang noo ng dalawang lalaki sa kanya bago binalingan ang daddy niya.
"Nope. I don't know her dad, maybe she's look familiar to me." sabi ng isa sa kambal. Hindi niya makilala ang dalawa dahil magkamukha ang dalawa! Parehong may bangs ang dalawa at kulay abo ang mga mata. Parehong kulay ng balat at parehong matangos ang ilong! Pinagkaiba lang ng dalawa ay ang suot na damit. Ang isa ay plain habang ang isa naman ay nakastripes.
"Ikaw Chase?" tanong ng amahin sa isang lalaking di sumagot.
"I don't know her too." plain na sagot ng binata at walang mabasang emosyon sa mga mata nito ngunit mataman ang titig nito sakanya na nakapagpabilis ng tibok ng puso niya.
"Well be nice to her my twins. Siya ang bunso sa inyong tatlo. Please take care of her." sabi ng amahin saka ito umalis at dinala ang maleta niya. Napalunok naman siya ng makita ang kambal na nanatiling nakatayo sa harapan niya at tinitingnan siya.
"You woman! I met you earlier am I right? You fucking slap my face and I don't have any fucking idea why did you do that!" sabi ng lalaking nakastripe sa kanya. Napalunok siya. So ang lalaki pala na 'yun ang nasampal niya.
BINABASA MO ANG
LOVE AFFAIR SERIES 1: Chase Wilsex (COMPLETED)
RandomKilala si Aithne Villaford sa EASTON PARADISE UNIVERSITY bilang pinakamatalinong babae EPU campus. Hindi kagandahan, May nobyo at madalas nang maloko ng mga kalalakihan. Pero magbabago ang itinadhana sa kanya sa paghaharap nila ni Chase Wilsex! Ang...