MARIONNE's POV
"OMG!"malakas na sigaw ni Valeng ang narinig ko ng marinig kong bumukas ang pinto ng aking kwarto.
Binalewala ko ang kanyang presensya at nanatili sa pagkakahiga sa aking kama. Inaantok ako at tinatamad akong bumangon.
Ilang araw na akong ganito.Walang saktong tulog.Mula ng huli kong maka-usap si Nico , nung hinatid ako sa bahay, ay palaging lutang ang utak ko. Lumilipad ang isip ko. Palaging pumapasok si Nico sa isip ko. At mula nung araw na ding iyon ay di na natahimik ang puso ko.Parang may hinahanap.
Naging malaking palaisipan din sa akin ang mga sinabi ni Nico kaya naman naitanong ko kina daddy at mommy kung may amnesia ba ako. Kung may ilan ba sa mga memories ko ang di ko na maaalala. Pero wala naman daw, ayon na rin sa sinabi ng doctor na siyang tumingin sa akin base sa mga ginawa nitong test sa akin.
Nais ko sanang maka-usap ng personal ang doctor na siyang tumingin sa akin nung nasa Switzerland kami, kung maari ay pupuntahan ko pero alam kung di ako papayagan nina mommy't daddy na pupunta doon dahil sa nais kung itanong sa kanya. Medyo nagalit nga si daddy nung tanungin ko sila kung may amnesia ba ako.Bakit ko daw naitanong yun? Para daw akong naghahangad na magka amnesia.
Ginugulo ang buong sistema ko sa mga sinabing iyon ni Nico.Nung tinanong ko naman ay ngiti lang ang naging tugon.At may isa pang sinabi sa akin si Nico na mas lalong ikinagulo at lito ko. I hope you find the ring and the necklace ,soon, that will be a big help. Ano.ibig niyang sabihin?
Hanggang ngayon di ko pa rin makita ang mga iyon. Halos baliktarin ko na ang kwarto ko makita lamang ang dalawang bagay na 'yon.
"MARING!!!"tili ni Valeng,sabay hablot ng kumot ko.
Inis akong napabalikwas ng bangon."Ano ba Dumagundong! Istorbo ka talaga sa pagtulog ko kahit kelan!"asik ko. Umupo ako sa aking kama at nilabanan ang titig ng naniningkit niyang mga mata at yung kilay na tinalo pa ang taas ng Mt . Everest. "akin na nga yan!"sabay ambang hablot sa aking kumot pero mabilisan niya itong nailayo."Valeng,magbiro ka na sa lasing wag lang sa tulad kong walang tulog."mahinahong sabi ko, nagpipigil ng inis.
"Di ako nakikipagbiruan."she answered. At lumapit siya sa may bintana at hinawi ang makapal na kurtina nito at di pa nakuntento ay ini-off pa ang aircon ng kwarto ko.
Arghhhh!!!
"MARIA VALENTINA ENRIE DUMAGUNDONG MONTELLO!"sigaw ko ng bubuksan na sana nito ang bintana.
She stopped! I knew it!
Nilingon niya ako at nginiwian lang ako. What the h***!
"Valeng, not now please...wala ako sa mood ngayon.I wanna sleep. "pakiusap ko dahil sa tantiya ko ay wala itong balak na tantanan ako dahil lahat ng bintana sa kwarto ko ay binuksan niya.Now, what? Paano ako matutulog kung bukas ang lahat ng bintana at naka off ang aircon at higit sa lahat kitang kita ko ang sikat ng araw.I can't sleep like this! Kapag natutulog ako patay lahat ng ilaw.Kahit lampshade ay wala!...as in all dark sa room ko.
"Sleep? Hoy! MAring!...it's already 10am in the morning, gising na lahat ng tao pero ikaw, ito at naabutan kong tulog! Anyare sa'yo ? Dati naman ang aga aga mong gumising?"nakapameywang siyang nagtatalak, daig pang mommy ko.
BINABASA MO ANG
LOVE will Lead YOU back (My Maid from Heaven Book 2)
FanfictionAno ang mangyayari sa muli nilang pagkikita? Maalala kaya ni Marionne/Angeline si Nico? Hanggang kailan maghihintay si Nico? Subaybayan natin ang kakaibang kwentong pag-ibig nina Nico at Angeline. Para sa mga new readers read first MY MAID FROM H...