Hi. Ito po ang letter of appreciation ko. I already sent you lots of messages... actually last last year pa. Naiintindihan ko na hindi mo yon mababasa, baka hindi mo rin mapansin. Ok lang yun sakin.
I made this letter kasi umaasa pa rin ako na mapansin mo. Di man ngayon or bukas... kahit soon man lang. Kahit malayo pa. Kahit kelan.
I just wanna thank you for making all the JFafas. Especially Jumbo, Kyo, Lander, Santi, Panther and Macoy. Pero sige lahat na. I'm a big fan. Super fan actually.
Super thankful sa pagpapasaya sakin. Samin ng mga readers. Sobrang blessing lahat ng gawa mo. You made us believe in love. Saka sa milagro. Haha. Kahit masasakit at epic ang ibang stories mo... kahit parang ayoko na magbasa... nagbabasa pa rin ako. Nagtitiwala pa rin ako sa mundo na ginagawa mo para saming readers mo.
Sana makita kita. Sana makilala kita at makausap. O mahug po. Kaso sa lahat ng booksigning palagi kang wala. Kaya minsan kahit mag announce sila na darating ka.. parang ayaw ko ng maniwala. Masakit umasa.
Pero umaasa pa rin ako na mameet ka. Mahug ka. At mabigay sayo mga letters ko.
Marami nagsasabi, mabait ka daw. Hindi snob. Sana makapagcomment ka dito sa ginawa ko para malaman ko if nabasa mo to. Gusto ko malaman mo JF na super love na love kita. Lahat ng books mo meron ako, maliban sa ibang bago. Super abang ako sa lahat ng updates mo... kahit status sa FB. Kahit tatlong beses sa isang taon ka lang yata mag online don :(
Itatry ko ipost dito yong mga letters ko kaso iprivate ko para sayo. Sana maisip mo akong iview
...ifollow na rin.Napakasaya lang sa feeling kapag napansin mo ako. I really love all your stories. Kahit di pa kita kilala, i have this feeling na (sa story mo) pati personality mo ay magugustuhan ko. :)
-Jean
BINABASA MO ANG
Jamille Fumah Letter of love
General Fictionopen letter for JamilleFumah of JFstories 💘