@ all right reserved, no part of the story should be copied without the permission of the author.
Chapter 1 what is Love
.
.
.
.
.
.
Nikka Monteclaro - Love? well para sakin ang Love ay hindi dapat sineseryoso, bakit?
kasi walang lalaking matino, lahat sila manloloko kaya kung anong ginawa nila sa akin ibabalik ko sa kanila.
Frank John Cruz- Love? kalokohan hindi uso sakin ang salitang yan, maraming girls ang nagmamahal sakin, dahil sa gwapo kong to? kaya ko silang paglaruan dahil yun ang ginawa nila sa akin.
Camille Maniego- LOve? hindi ko alam. Hindi ko pa kasi naranasan magmahal at mahalin, bukod sa pamilya at kaibigan ko. Bakit? Siguro kasi Pangit ako?? Mukhang yun nga ang dahilan kasi halos araw araw pinapamukha nila sakin na Pangit at Nerd ako, wala akong tiwala sa sarili ko,Lagi akong binubully sa school, kaya alam ko na kahit anong gawin ko walang magmamahal saking lalaki.
-
-
"Camille gising na! maaga ang pasok mo diba?? malilate kana!.."
Bungad sakin ni mama, hayyyy ang aga pa kaya. Sabagay 1st day of school ngayon, kaya kailangan maaga dapat ako pumasok.
"Okay po ma! Babangon na!"
naligo at nagbihis na ako ng uniform ko, nakakapanibago ang bago kong uniform, parang hindi bagay sakin. Bago rin kasi ang school na papasukan ko, puro mayayaman, maganda at gwapo ang mga estudyante sa school na yun, siguro magugulat sila kung paano ako nakapasok sa school nila. Imbis na maexcite ako, kinakabahan ako baka kasi mabully nanaman ako tulad ng mga nangyari sa dati kong school. Nagbreakfast at nagpaalam na ako sa mama ko.
Lalakarin ko lang rin naman ang school ko,yan ang reason nila mama bukod sa pasok ang average ko sa standard average ng school,walking distance lang din. After 10mins. ng paglalakad nasa harapan na ako ng bago kong school.
huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob...
habang naglalakad ako papasok ng building, pinagtitinginan ako ng mga estedyante, rinig ko pa yung mga bulungan nila.
"Sino naman yang girl na yan?"
"bago lang yata sya dito"
"Hindi sya bagay sa school natin, mukha syang nerd or should i say nerd talaga sya"
"Well! girls may bago nanaman tayong mapaglalaruan."
Kinabahan ako sa sabi ng girl sa mga ksama nya...
Paglalaruan????
Mukhang mararanasan ko rin dito ang mga naranasan ko sa dati kong school,ang masama mukhang mas grabe pa.. :(
yumuko nalang ako para maitago ko ang mukha ko, malapit na ako sa classroom pero rinig ko parin ang mga bulungan.
"Ow my Gosh!"
"AAAaaaahhh"
ay pusa! nagulat ako sa tilian ng mga babae, anong meron?? hanggang sa mas lumakas at dumami ang mga babaeng nagtitilian.
"OMG!! ang gwapo nya"
"akin kanalang Frank"
"Hindi akin sya"
"ang cute nya talaga lalo na pagnaka smile
ano bang nangyayari sa mga babaeng to? parang naging amazona at wild. Patuloy ako sa paglalakad, pero dahil hindi ko na matiis ang ingay nilingon ko kung sino man ang pinagkakaguluhan nila at............. O_O
BINABASA MO ANG
A Complicated Dance
Romance@ all right reserved, no part of the story should be copied without the permission of the author.