Third person's POV
"Tracy san ba tayo?" sabi ni Cheche kay Tracy pero hindi ito sinasagot ni Tracy
Nakatulala parin kasi ito dahil sa mga nasabi niya.
"TRACY TALON!" sigaw ni Gigi ang nagpagising sa huwisyo ni Tracy
Hanggang sa isang malakas na sigaw na lamang ang narinig sa buong paligid.
"Wahhhhhhhhh!!!" sigaw ni Tracy
-----
Isang naghihikahos at nawawala sa daan na truck ang sumalubong sa sasakyan nila Cheche ng mga oras na yun at dahil nakatabingi na ang truck at imposibleng malagpasan napag-isipan nalang ni Gigi na nasa pasenger seat na tumalon. Sinabihan nito si Tracy ngunit mukhang huli na ang lahat. Mas bumilis ang pagbaba ng truck mula sa kotse ni Cheche kung saan naroon parin si Tracy.
"TRACY TALON!!!" muling sigaw ni Gigi
Ngunit sumalpok na ang unahan ng truck sa kotse na hanggang gitna ang nayupi at nagulungan nito bago pa ito huminto.
-----
"Please iligtas niyo po ang bestfriend namin" naghihikahos sa pagtakbo si Gigi habang nakahawak sa gilid ng hinihigaan ni Tracy.
Mabilis nila itong naisugod dahil narin sa mga CCTV cameras na nakakalat sa mga kalsada. Agad na rumesponde ang mga ambulansya.
Ngayon ay nasa ospital na sila kung saan kabang kaba ang dalawa kung ano ang maaaring mangyare.
"Hanggang dito na lamang kayo" sabi ng nurse at itinuloy na si Tracy sa ER
"Please po iligtas niyo siya" sabi ni Gigi na kanina pa umiiyak.
Samantalang si Cheche naman ay hatak hatak ni Gigi na kanina pang nakatulala.
Bigla nalang lumuha si Cheche pero walang tunog.
"Kasalanan ko 'to" sabi ni Cheche
"Che! Wag mo nang sisihin pa ang sarili mo! Hindi yan makakatulong" sabi naman ni Gigi at saka niya ito niyakap.
Si Gigi man ay hindi rin alam ang gagawin ay mas pinili nalang na aluin si Cheche na mas mukha malaki ang trauma dahil narin sa aksidente.
-----
Kauuwi lamang ni Gio, dahil narin sa naging sagutan pa nila ni France. Nagtuloy tuloy ito sa kusina at kumuha ng tubig, pabagsak na isinalampak ang sarili sa couch at saka pinindot ang remote para bumukas ang T.V. Isang hindi inaasahang balita ang bigla na lamang nagpatayo sa kanya.
"Isang aksidenteng lang ang naganap sa dako ng trafalgar avenue kung saan nakaligtas ang dalawang sakay ng kotse, samantalang ang isa naman kasama nito ay sugatan. Nakaligtas naman ang driver ng truck, napag alamang nawalan ng preno ang driver ng truck kaya ganun na lamang ang nangyare at tumabingi...."
Hindi na itinuloy ni Gioniel ang panonood ng T.V. agad niyang kinuha ang susi ng motor niya at sumampa na agad, minani obra niya at saka pinaharurot sa nasabing lugar.
-----
Isang balita ang narinig ni France mula sa kanyang radyo sa kanyang kotse. Didiretso na sana siya sa bahay ni Tracy upang magsorry ngunit sa isang hospital siya napadpad. Halos takbuhin niya ang Information Table dahil sa pag aalala.
"Tracy Walter, Where she is?" nag aalalang sabi ng isang lalaki na nasa gilid ni France. Laking gulat ni France ng makilala ang boses nang nagsalita. He saw Gioniel na alalang alala na at pawisan pa.
-----
Sabay na napatayo sina Gigi at Cheche nang lumabas ang Doctor mula sa E.R.
"Doc. kamusta po ang bestfriend ko?"
BINABASA MO ANG
Destiny:Tracy Walter(COMPLETED)
Roman d'amour#28 seohyun #1 Greece Minsan ang mga bagay bagay ay talagang tinadhana ng mangyare. Kung magkakalayo man ang mga bagay na ito ay gagawa ang tadhana ng paraan upang muling pagtagpuin ang mga landas nila. Pero paano kung sa pagkikita nila ay hindi na...