Entry 01

44 1 0
                                    

Bzzzzzzzt

1 message received

Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung sino ang nagtext.

From: 092785*****

Hi :)

Sino kaya to? Baka nantitrip lang, kaya di ko na nireplyan.

Nagawa kasi ako ngayon ng assignment, kelangan sagutan ko lahat yung module sa AP. Ang sakit na nga ng kamay ko kakasulat eh.

Bzzzzzzt

1 message received

From: 092785*****

Hi :)

Letche, sino ba to?! Istorbo eh. Mareplyan nga.

Sino po ba ito?

Ilalapag ko na sana yung phone ko ng nagvibrate ulit ito.

From: 092785*****

Ako po si Popoy. :)

Taray! Ang bilis magreply. Pero letche pa dn. Pustahan tayo pinagtitripan ako nito. Hindi ko na lang nireplyan at pinagpatuloy yung pagsasagot ko sa module.

Pagkagising na pagkagising ko, naligo agad ako at nagbihis. Sinuot ko na din yung uniform ko.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay manang at lumabas na nang bahay.

Habang naglalakad ako ay nagvibrate na naman yung phone ko. Pano ko nalaman? Simple lang, nasa bulsa ko eh. Natural ramdam ko.

From: 092785*****

Good Morning. Ingat ka :)

Defuta. Same number din nung nagtetext saken kagabi. Sino ba talaga to.

To: 092785*****

Kung pinagtitripan nyo lang po ako please lang po, tumigil na kayo. Wala po kayong mapapala sakin!

Pagkatapos kong replyan yang bwiset na yan, ay agad kong tinago na sa bulsa ko ang phone ko.

Wala na! Siraulong yun! Sinira niya araw ko.

Bzzzzt

1 message received

From: 092785*****

Wag sumimangot baby, papangit ka niyan. :)

'' ARGHHHHH! '' Sa sobrang inis ko ay nagpapadyak padyak ako. Bwiset! BABY?! Ano ako sanggol?!

Hala?! Depruta. Ano to stalker ko?!

Lumingon lingon ako, baka sakaling andun nga yung Popoy-whatever na yun. Pero wala namang tao dito. Ako lang mag isa ang naglalakad dito sa daan papalabas ng village na to. Tsaka, bakit niya nalaman na nakasimangot ako? Bwiset!

Hindi ko na lamang nireplyan yun at baka kung ano pa ang masabi ko. Binilisan ko na lang ang lakad ko para makarating na agad sa University. Baka mamaya rapist pala yun.

Habang nagdo drawing ako sa likod ng notebook ko ay kinalbit ako ng katabi ko.

'' Ano daw sabi ni Maam? ''

'' Aba'y malay ko, di nga ko nakikinig eh. ''

Pinagpatuloy ko na lang ang pagdo drawing ko, habang patingin tingin kay Ma'am. Hahahahaha. Siya yung dino drawing ko eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Textmate (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon