Chapter 44 - [Vince]

4.4K 109 57
                                    

Mula sa balkonahe ng Mini Bar na naroroon malapit sa tabing dagat ay tahimik na pinanunuod ni Vince si Claire at ang kambal na sina Lucho at Dreico habang masayang nagliligo sa dagat at naglalaro sa buhanginan ang mga ito. Sa kung anong dahilan na hindi niya maintindihan pero para bang napakagaan ng pakiramdam niya habang pinagmamasdan ang mga ito lalo na sa tuwing naririnig niya ang malakas na tawanan ng mag-iina lalo na nga ang sobrang kakulitan ng dalawang kambal.

"This is such a terrible idea..." naiiling na sabi ni Vince sa kaniyang sarili. "You're one hell of a crazy guy Vince." Pagak na pagtawa niya ng insultuhan ang sarili. "Mukha ka lang gago at stalker sa ginagawa mo." Aniya sabay inom sa hawak na baso ng alak.

Paano ba naman ay kanina pa niya pinagmamasdan si Claire na noo'y nakasuot lamang ng two piece red bikini. Sa itsura nito ngayon ay hindi mo aakalain na isa na itong dalagang Ina ng kambal. Alagang-alaga pa rin kasi nito ang sarili kaya't ganoon na lamang ito kaganda at kabata tignan di tulad ng ibang babae na kapareho nito ng estado. Bukod sa makinis at mala-porselang kutis nito, maganda rin ang hubog ng katawan ng dalaga na animo'y hinango sa Hour Glass ang kurba. Maganda at malusog rin ang hinaharap nito na talaga naman siguro kahit sinong lalake ay hindi magagawang hindi iyon bigyan pansin, bukod pa sa long legged ito at maganda ang kurba ng balakang at maumbok na puwet ay may katangkaran rin ito sa height na 5'8 o bahagyang higit pa kaysa sa average height ng mga babaeng Pilipino.

Bumagay rin ng husto sa dalaga ang lampas bahagya sa balikat na buhok na kinulayan pa ng light brown, terno iyon sa kulay brown nitong mga mata at mapupulang pisngi at labi. Kahit sinong makakita rito sa ngayon ay tiyak na mahahalina sa angking ganda at nakakabighaning appeal nito. Kahit siya man hindi nakaligtas sa paghanga rito.

Ngunit ang di lubusang maipaliwanag ni Vince sa sarili ay kung bakit nga ba ganoon na lamang ang epekto sa kaniya ng dalagang si Claire. Kung tutuusin ay hindi naman sila lubusang magkakilala pero parang may kung anong magnet sa katawan ang babaeng ito na laging humihila sa kaniya papalapit rito. Tila ba may sinulid na nagtatali sa kaniya kaya't hindi niya magawang layuan o iwasan ang babae kahit na anong utos at pilit niya sa sarili. Idagdag pa ang kambal na anak nito na sina Lucho at Dreico na sa sobrang kulit at lambing ay aaminin niyang napalapit ang loob niya, lalo pa sa tuwing hahalikan at yayapusin siya ng kambal kasabay ng mga salitang - i love you papa, na mukhang nakasanayan na ng dalawa at animo'y pakiramdam nga niya'y anak nga niya ang kambal na sina Lucho at Dreico dahil sa kakaibang lukso ng dugo na naglalaro sa kaniyang dibdib sa tuwing makakasama ang mga ito.

Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay pinipilit niyang manaig ang pagiging responsable at tapat na fiancé kay Elizabeth. May ilang beses na niyang sinabi sa sarili na ignorahin si Claire, ilang beses na ipinapaala niya sa sariling utak at konsensya na nakatali na siya kay Elizabeth, na hindi na niya dapat pag-ukulan ng pansin ang dalagang Ina na si Claire lalo pa nga't ay kasalukuyan itong nakakapalagayan ng loob ng kababata niya na si Patrick.

Hindi nga ba't nalalapit na rin siyang ikasal sa kasintahan? Ngayon pa ba siya magdadalawang-isip kung kailan halos dalawang linggo na lang ang bibilingan at itatakda na ang pag-iisang dibdib nila ni Elizabeth? Ngayon pa ba niya hahayaan na magulo ang kaniyang isipan kung kailan papakasalan na niya ang babae na halos buong buhay niyang pinag-alayan ng kaniyang puso?

Pero bakit ganun? Bakit sa tuwing nagkakalapit sila ni Claire ay tila ba nagiging abnormal ang tibok ng kaniyang puso. Sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata ay para siyang napapako sa kinatatayuan at namamahika sa gandang taglay ng dalagang Ina. Bakit nga ba sa tuwing magdidikit ang kanilang mga kamay ay parang may munting kuryente na gumagapang sa kaniyang katawan. Hindi ba't masasabing pagtataksil na rin ang ginagawa niya dahil hindi simula ng makilala niya si Claire ay hindi na nawala sa isipan niya ang magandang babae?

Pain in My Heart (Playboy Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon