KACHAKAHAN 7

1K 23 0
                                    



CHAPTER 7

Di lang naman ako nakatulog ng bongacious at delicious nitong gabi. Sino ba naman ang makakatulog kapag sa gantong sitwasyon na niluko ka, ginawang tanga at uto-uto. Naku naman po sarap din talagang mag wild at mag rally sa tapat ng bahay ng ex kong puta. Nakaksuklam sya, akala nya kinadagdg ng kagwapuhan nya ang ginawa nyang panluluko sa akin.

Kung nabibilang ko lang ang patak ng luha ko ngayong gabi ay mag sy-syntax error lang marahil yun. River of tears lang naman ang iniluha ko this night. Pakiwari ko ay magang maga na ang mata ko, at ang eyebags ko ay parang kinagat lang ng ipis dahil sa malaki pa to sa dibdib mo. Tinatakpan ko na nga lang ng unan ang aking bibig upang di marinig ng mga tao sa bahay ang aking pag hikbi.

Kasalanan ko din naman to kung ba't ako pumatol kay Drake, at masisisi ko din ang sarili ko dahil sinagot ko sya kaagad agad after two weeks nyang panliligaw sa akin. Nagmamadali kase si ako, hayan wasak ang puso ng chaka. Kung pwede ko lang sana i-rewind ang kahapon at maitama ang aking pagkakamali. Kung pwede lang sana pabalikin ang kamay ng orasan nagawa ko na kanina pa.


Kinaumagahan.


Oo inumaga na, ni hindi parin ako nakatulog kahit one minute man lang. Peste talaga ang Drake na yan, ba't pa kase pinanganak ng nanay nya yan ehh, sana sa kumot nalang sya pinaputok ng tatay nya! At lintik din yang pag ibig na yan, sino pa kase ang nag-pauso nyan ehh, eh di sana, walang pangit na hu-hurt ngayon, walang chaka na umiiyak ngayon!

Bumangon na ako sa kama ko at syang pag tingin ko sa oras. Alas singko ng madaling araw! Tulog pa ang lahat at madilim pa sa labas. Naglakad ako palabas ng kwarto ko at nakasalubong ko lang naman ang inay. Kapwa nga kami nagulat sa mukha namin nang nagkasalubong kami sa pintuan. May pa hawa-hawak pa sya sa dibdib na nalalaman.

"aba naman Victorina, papatayin mo yata ako sa nerbyos" si Inay. "aba uso mag pa excuse" dugtong nya.

"ahh sorry po nay... excuse!" turan ko at syang baba ko ng hagdan. Dumiritso ako ng banyo para magbawas then nang done na ako ay tumungo ako sa labas para makalanghap ng malamig na simoy ng hangin.

Sana hangin nalang ako, para mapatay ko sa suffocation si Drake. Pesteng lalaking yun, ki-aga-aga sya kaagad ang naiisip ko, di ba pwedeng isipin ko kung paano ako makarecover sa panluluko nyang ginawa sa isang nilalang na tulad ko. Dati every morning ay excited akong gumising para batiin sya at i-stalk sya sa facebook nya, pero ngayon excited akong magising para paslangin sya. Oo ganun ang galit ko sa kanya, ikaw ba naman gawing tanga di ba?

"makakalimutan din kita" turan ko.Agad naman din akong napalingon dahil sa isang boses na bigla-biglang sumulpot sa likuran ko.

"sino naman ang kakalimutan mo?" turan ni itay sa akin.

"aahh, wa-wala po tay... hehehe, sabi ko kakalimutan ko na po ang utang ng kapit bahay natin, tutal magkaka work na po ako."

"good... mabait ka talagang bata" akbay sa akin ni itay. "minsan mas okay na din na wag singilin ang utang, ma i-stress ka lang. Sa panahon ngayon, kung sino pa ang may utang, sila pa ang matapang, at kung sino pa ang inutangan, sila pa yung nahihiya maningil."

"tama ka tay, sarap mong markahan ng mala billboard na check sa 'yong noo, at okay lang yun tay na hindi na sila makabayad... para di na sila makautang ulit."

Napatawa lang si itay sa banat ko. Sabi nya sa akin bagay daw akong maging komedyante. Hindi lang dahil sa magaling ako magpatawa ay bagay na bagay daw ang fes ko sa comedy bar! Hayan na naman ang pudra kong hilaw, inuukray na naman ako. Turan nya sa akin nagbibiro lang daw sya, at dagdag pa nya ay mag impake na daw ako, dahil sasamahan nya ako sa isang company na kung saan ay naghahanap sila ng journalist! Dagdag pa ni itay, suutin ko daw ang pinakamaganda kong damit, mag ayos ng desente at mag paganda.

Mahirap Kapag Chaka (Under Revision)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang