Chapter 20 - Hi, Mom!

2.1K 39 0
                                    

Aia's POV

Pagkagising ko kinabukasan ginawa ko muna yung morning rituals ko. Pagbaba ko, si daddy kaagad ang nakita ko sa may kitchen. Dali-dali akong pumunta sa may tabi niya at inakap siya.

"Goodmorning dad!"

"Goodmorning din baby ko! Anong oras kayo nakarating ni RD dito kagabi? Nakatulugan ko na kayo eh.."

"Actually dad, hindi si RD ang kasama ko pauwi dito..."

"What do you mean? Nag-commute ka?"

"Ah, no dad!" paano ko sasabihin sa kanya yung tungkol kay Luigi? "Si Lu--"

"Ah Sir, Mam Aia, may bisita po kayo." yung isang maid namin.

"Sino daw?" tanong ni daddy

"Si Sir Luigi Martin po. Yung anak ni Mr. Apollo Martin." oo nga pala may usapan kami ni Luigi na pupunta kami kay mommy ngayon!

"Ah yeah, my kumpare? Sige, let him in!" tumango lang yung maid at lumabas na ng kitchen

"Dad?" tumingin naman sa akin sa daddy pagkatawag ko sa kanya.

"Yes iha?"

"I have something to tell you, Luigi is my boyfriend, that's why he's here."

"You're what?" nakakunot noong tanong ni dad sa akin.

"I'm sorry dad, hindi ko sinabi sa'yo.."

"Goodmorning po Mr. Mendoza, sa'yo din Aia!" napalingon kami ni dad kay Luigi na katabi yung maid namin na nagpatuloy sa kanya dito.

"Oh, goodmorning Luigi. Come and join us. Kakaumpisa pa lang namin kumain."

"Sure po." umupo naman si Luigi sa katapat kong upuan at nginitian ako. Si daddy naman tumayo sa may pwesto niya.

"Dad, where are you going?"

"Sa office ko lang sandali, may kukunin lang ako.."

"Why don't you finish your meal first dad?"

"Sandali lang ako baby. Luigi, kumain ka lang dyan, excuse me please!"

"Okay po tito!" at lumabas na ng kitchen si dad. Ohmy! baka galit siya!!!

"Luigi, galit yata si daddy!"

"Ha, bakit?"

"I told him already! ahh.. baka iniisip nun, wala pa nga akong 18 nag-bo-boyfriend na ako!"

"Relax lang sweetie okay! Ikaw kasi nagmamadali, hindi mo ako hinintay na i-introduce ang sarili ko sa kanya!"

"Sorry naman!"

"Haha, ako ang bahala mamaya. For now kumain muna tayo okay? I'm starving! Hindi naman ako nag-dinner kagabi."

"tss.. gutumin ba ang sarili. Sige na kain na tayo."

Mga ilang minuto lang ang lumipas at dumating din si daddy ng office niya at umupo ulit sa pwesto niya. Sumubo muna siya ng pagkain niya bago magsalita.

"Luigi, how's Aia as your girlfriend?" halos mabitiwan ko naman yung hawak kong kutsara sa sinabi ni daddy. Waaah.. agad-agad!!??

"Dad!"

"Why baby? Knowing you as makulit, at isip bata, baka pinahihirapan mo itong anak ng kumpare ko!"

"Eeeeeh.. dad naman eh! Di kaya!" natawa lang silang dalawa ni Luigi.

Make You Feel My LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon