Till Eternity. ONE-SHOT (kathniel)

4.1K 104 50
                                    

DANIEL'S POV

Nandito ako ngayon sa park sa may village namin ni Kath. Tulala nanaman, as usual. Hm, sino si Kath? Siya lang naman ang babaeng di ko inaasahang mamahalin ko. Ginayuma yata ako nun eh, haha joke. Maganda siya, pero di palaayos kaya't di mo mapapansing maganda pala. Hindi ko alam kung paano ko siya minahal ng ganito samantalang dati halos magpakamatay nako wag lang niya ako malapitan. Hayy.. Pag-ibig nga naman. Nagtataka siguro kayo kung ba't di ko siya kasama?

Oh, eto na ang kwento.

FLASHBACK. 3 YEARS AGO.

Andito ako ngayon sa school, papunta nako sa tambayan. GV ako today, dumating na kasi yung 4s ko galing kay dad eh haha. Malapit nako nang may humablot ng braso ko.

"Hi DJ!" PFT. Si kath lang pala. with matching smile pa.

"Ano ba yan Kath! Lumayo ka nga! Nakakasira ng araw!" sabi ko sabay tanggal ng kamay niya at tumakbo papunta sa barkada. Oo nga pala, part ng barkada namin si Kath kaya no choice talaga ako. Araw-araw ko siyang kasama. Ang rude ko ba? Sanay na si Kath sakin. Halata naman kasi na crush niya ako eh. Dikit ng dikit. tss.

"Oh? Bat ang aga-aga LQ agad kayo?" Si niel.

"Tigilan moko niel, wala ako sa mood" Sabi ko with matching death glare.

"Joke lang bro, hihi." pa-cute na sinabi ni niel.

"OMG!! BES!! ANYARE SAYO?!" Julia. Bff ni kath. Bat siya sumigaw? Yung ichura kasi ni Kath parang dinaanan ng sampung Undoy.

"Ah, eh na---" Kath.

"Tss. Di na kayo nasanay, ganyan naman talaga ichura nyan araw-araw , parang manang na nerd." Sabi ko, napayuko naman si Kath. Mukang nasaktan yata siya sa sinabi ko. Well, care ko? ambading. haha

"S-sige, pasok n-nako sa room." sabi ni kath sabay umalis.

"Sama ako bes!" Sinundan naman siya ni julia pero bago siya sumunod binigyan nya ako ng death glare.

Naiwan kami ni Niel dito. Si diego kasi sinundan si julia tapos si kiray at ej naman eh pupunta daw muna sa locker. Grabe, pagkatapos umalis ni kath eh parang wala ng nagsalita samin ni niel. Nakakapanibago.

"Pre, parang di naman tama yung ginawa mo kanina." Sabi ni niel.

"Matagal ko na naman siyang ginaganyan ah? Bakit naman ngayon lang siya nagreact?" ako.

"Siguro nasaktan na talaga siya. Pre, hindi porket gusto ka niya eh ginaganyan mo na siya. Tandaan mo, ka-barkada natin si kath." niel.

Natahimik naman ako.

"Ngayon na-kokonsensya ka? Mag sorry ka dun.." Biglang sabi ni niel.

"AKO?? MAGSOSORRY? DUN SA BABAENG YUN??" tssssss! ayoko nga!

"Oo, nasaktan yun. Ako pa rin ang pinaka-kuya ng barkada. Magsorry ka mamayang recess sa ayaw at sa gusto mo.'' Medyo galit na sabi ni niel.

RIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!

"Tara na, punta na tayo sa classroom." pahabol pa nya.

CLASSROOM

Katabi ko sa classroom si Kath. Wala siyang imik. Maayos na rin ang ichura niya ngayon. Inayusin siguro nila Julia. Nakakapanibago, lagi kasi tong nangungulit sakin. Minsan magbibigay ng papel na may nakasulat na "hi" at kung ano ano pa. Pero ngayon, wala. Nakakabingi yung katahimikan. Buti nalang dumating na si miss.

Till Eternity. ONE-SHOT (kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon