[38] Pwede ba kitang ligawan?

274K 3.7K 2.1K
                                    

Chapter 38

Hope’s POV

“HOPE! May nagaabang sa’yo sa labas.” Sigaw ni Ate. Napamulat tuloy ako. Anong oras na ba? Pagtingin ko sa bedside table ko… 8:00 AM pa lang. November 16, 2013. Sabado. Walang pasok. Tapos napagod ako kagabi. Mamaya na yang nagaabang sa akin. Mas importante ang tulog—

“HOPE ANO BA?! Bobombahin ko yang kwarto mo. Gumising ka na. Magayos ayos ka na rin.” Magayos ayos? Bakit?

“Bakit? Gusto ko pa matulog. Ang aga pa.”

“Wag mo sa akin itanong kung bakit. SI ENZO MO NAGHIHINTAY SA LABAS!”

Biglang nagising ang diwa ko at napabangon agad ako sa kama. Wow. Mas mabisa pa si Enzo kesa sa alarm clock ko ah!

Agad agad akong dumeretso sa CR ko, naghilamos, nagtoothbrush at nagpalit ng damit. Medyo gulo pa rin ang buhok ko, para kunwari bagong gising pa rin ako. Pagbaba ko…

Bakit ang daming box? Ang daming pagkain? Ang daming flowers? Ano ‘to?!

“Ano yan?” tanong ko kay Ate.

“Pinadala ng Enzo mo. Peace offering ata sa amin ni Lola. Bad shot siya sa amin hindi ba? Nagpadala siya ng mga damit kay Lola, nagpadala siya ng accessories sa akin, tapos may mga food at may mga flowers pa. ANONG AKALA NIYA SA AMIN MABIBILI NIYA KAMI?” Napatitig ako kay Ate. “Kung ganoon.. WELCOME TO THE FAMILY ENZO! Wohoo! Ang ganda ng accessories! Shocks! Bilis! Papasukin mo na siya.”

Anong nangyari? Nasaan ang dignidad ng ate ko? Pero okay lang, at least good shot na si Enzo! Lumabas ako, tapos pagtingin ko sa gate… Ey, ang gwapo. Nakawhite pa siya!

“Uy Enzo, pasok.” Tapos binuksan ko ang gate at pinapasok siya sa bahay. Noong makita niya ang tambak tambak na gifts mula sa kanya.

“I’m so sorry, napadami ata ang bili ng secretary ko. Sorry.” SECRETARY?! May sarili siyang secretary? Ang yaman!

“Okay lang iho. Hindi mo na kailangang magabala pa. Ramdam naman namin na sincere ka sa apology mo.” Sabi ni Lola. Oh my gee. Pwedeng kiligin? Okay na rin siya kay Lola.

“Thank you po. Hindi na po ulit talaga mauulit yun.” Ngumiti na lang si Lola sa kanya.

“Teka nga, bakit ba ang aga aga nandito ka sa bahay? Umaakyat ka ba ng ligaw?” Aray. Nasamid ata ako sa sarili kong laway. Ano ba, ate!

“Um, not really, but I would like to ask your persmission if okay lang pong ayain ko si Hope na makipagdate.” ARAY. Nakagat ko dila ko. Teka teka nga. Pakiulit. Ano ulit yun Enzo?

“DATE?!” sabay kami ni Ate na napasigaw.

“Opo sana. But don’t worry, iuuwi ko po siya before… Umm, 6:00PM?” Ang aga naman!

“Saan kayo pupunta?” tanong ni Lola.

“Sa Luneta Park lang po. Malapit lang.” Sabi ni Enzo. PARK NA NAMAN? Wala ba siyang maisip na ibang place? Hindi naman ako choosy. Okay lang talaga sa akin ang malls.

“Sige, basta iingatan mo yang si Hope. Malapit lang naman dito ang Luneta. Okay lang din na lumampas ng 6:00 PM iho, basta iuuwi mo siya before 8:00PM.” Sabi ni Lola. Nakinig lang si Enzo. Shocks! Parang nanliligaw siya. Yung puso ko tatalon na ata.

“So, Hope. Do you want to go on a date with me?” AKO PA BA ANG HUMINDI? GRASYA NA ANG LUMALAPIT!

“Sure. Palit lang ako.” Casual kong sinabi. Nakaya ko pa yun ha! Pagdating ko sa kwarto ko, kinagat kagat ko ang unan ko tapos tumalon talon ako sa kama. Noong makakalma na ako, pumunta ako sa dresser ko at… BAKIT WALA AKONG MAGANDANG DAMIT?! ANONG ISUSUOT KO?! So nagleggings na lang ako, at magandang blouse. Hay, ang hirap naman kapag gwapo ang kadate mo. Kahit ata anong ganda ng suot ko, di pa rin kami bagay eh!

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon