CHAPTER 2
"THIS IS DRIVING me nuts!" Inis na napasabunot sa sariling buhok si Beckett habang panay ang reklamo kay Pierce na para bang siya ang kinaiinisan nito. "I don't know why she can't forgive me. Hindi naman ganun kasama ang nagawa ko. Hindi ba ako kapatawa-patawad, ha, Pierce?"
Nanatali lang siyang walang imik at walang emosyong nakatitig sa kaibigan.
"I'm sure she'll forgive you soon." Ani Terron na kasama nilang kumain sa isang Restaurant na si Beckett ang pumili.
"I know she will, but when?" Uminom ng tubig si Beckett saka bumuga ng marahas na hangin. "I mean, nakakabagot maghintay. Yon ang pinakaayoko sa lahat. Tapos ganun pa siya sakin, e ginagawa ko naman lahat mapansin lang niya ako—"
"Nakadepende sa kasalanan mo kung patatawarin ka o hindi." Putol niya sa masakit sa taingang reklamo ni Beckett. "If its a woman, don’t hope too much. She will never forgive you."
Beckett gave him a deadpan look. "Salamat sa suporta, kaibigan."
Walang buhay siyang ngumiti saka inilagay ang headphone sa tainga saka nakinig nalang siya ng musika keysa naman makinig sa mga walang kuwentang reklamo ni Beckett habang hinihintay ang order nilang pagkain.
He was in the middle of listening 'It wasn't me by Shaggy' when Beckett's face lit up. Kapagkuwan ay may kinawayan ito.
Kumunot ang nuo niya saka sinundan ng tingin kung sino man ang kinakawayan nito.
He stilled when he saw Ms. Valdeleon.
It can't be...
Itinigil niya ang kanta na pinakikinggan pero hindi niya tinanggal ang headphone na suot para marinig niya ang sinasabi ni Beckett.
"Gladz! Hi!" Tumayo si Beckett at lumapit kay Ms. Valdeleon na hindi maipinta ang mukha. "Lets talk, please...Gladz... Please?"
Itinaas ni Ms. Valdeleon ang nakakuyom na kamao. "Sige, lumapit ka at tatamaan ka sakin. Hindi ako nagbibiro, balahibo. Susuntukin kita."
Sa halip na matakot, ngumiti pa si Beckett. "Tinawag mo akong balahibo. Bati na tayo?"
Mas lalong sumama ang mukha ni Ms. Valdeleon. "Tigilan mo nga ako, Beckett."
Sa halip na tigilan, hinawakan ni Beckett ang kamay ni Ms. Valdeleon na ikinatalim ng mata ng huli.
At sa hindi niya malamang kadahilanan, nainis siya sa paghawak ni Beckett sa kamay ng dalaga. Hindi niya napigilang tumayo at makialam.
Sticking his nose into someone's business is not his style, but he found himself walking towards Beckett with a thought of separating those linked hands.
Gulat na napatitig sa kaniya si Beckett ng paghiwalayin niya ang kamay ng dalawa. Even Ms. Valdeleon looked stunned to see him there.
"The fuck, man?" Hindi makapaniwalang tanung sa kaniya ni Beckett.
"Huwag mong hawakan ang taong ayaw magpahawak sayo." Aniya saka tinalikuran ang dalawa. "Its a sexual harassment, Furrer."
Bumalik siya sa kanilang mesa saka hindi pinansin ang napapantastikuhang titig sa kaniya ni Terron.
"Okay, what the hell, Muller?" Pagalit na tanung sa kaniya ni Beckett ng makabalik ito sa mesa nila. "Pagkakataon ko na para makausap ko ng mabuti si Gladz, pero sinira mo 'yon."
Wala sa sariling hinanap ng mga mata niya ang babae. Kapagkuwan ay nagtagpo ang mga mata nila ng hinahanap niya.
Gladz Valdeleon. Sambit niya sa pangalan ng babae sa isip niya habang matiim na nakikipagtitigan dito.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 18: Pierce Rios Muller
Ficción GeneralWARNING: SPG | R-18 | Mature Content Mabibilang ni Gladz kung ilan na ang mga naging boyfriend niya mula ng mamulat siya sa mundo, at lahat ay niloko siya at pinagpalit sa iba. Kaya sa edad na bente-otso, siya na yata ang pinaka-numero unong fan ng...