CHAPTER 25

1.4K 44 31
                                    

Mika's 

"Hi" 

"Oh ang tagal mo yata sa CR?" bungad sa akin ni Cienne ng maramdaman nyang nakabalik na ako, nagsmile na lang ako kanila Jessey ng mapatingin sila sa akin. "Ok ka lang?" tanong nito ng mapansing nag-iiwas ako ng tingin. 

Ngumiti ako ng tipid "Honestly, no Cienne" saad ko. 

"Ha?" humarap sya sa akin. "Anong nangyare?" 

"Idk. I'm not feeling well, parang bigla akong nahilo" 

Pagkasabi nun ay napatingin na sa akin si Kim na para bang nag-aalala na din. "Napadami ka din kasi ng inom, Miks e" 

Tumango na lang ako, sabi ni  Vic galingan ko sa pag-arte, and I think napapaniwala ko naman sila. Pasimple akong tumutop sa noo ko para mas realistic. 

"Are you ok Mika?" napatingin ako kay Jessey. 

Tumango ako. "Yes" tipid kong sagot at agad ding nag-iwas ng tingin, kunwari ay pumikit ako habang tutop pa din ang noo ko. Acting 101. Natutunan ko yan sa workshop nung nagmomodeling pa ako hahahaha.

"Actually she's not" sabi ni Cienne. "Masama daw pakiramdam nya" 

"Ay ganon pala, kaya pala napatagal ka sa CR, hindi mo tuloy nasaksihan yung confession nung dalawa" sabi ni Riri. 

"Gagi! Bago nyo nalaman, si Mika ang unang nakaalam" natatawang saad ni Kim. "Diba babe?" umakbay sya kay Cienne. 

Nagsmile naman ako, at tumango naman si Cienne kay Kim. 

"So yeah, ok ng hindi sya kasama sa celebration... you need to rest, Miks" hinimas ni Cienne ang likod ko. Uhh! So thoughtful. Hahahahaha

"Yeah, I badly need a rest" kunwaring nanghihina ng sabi ko. 

Saktong pagsabi ko nun ang pagdating ni Vic.... 

"Hey guys" bungad nito na kunwaring nanggaling sya sa front door, umikot pa ang mokong.... mga damoves din talaga e. Hahahahaha. Nakasmile itong lumapit sa barkada as if walang alam sa nangyayari sa akin. "Sorry napatagal" hindi na sya bumalik sa upuan nya bagkus ay tumukod na lamang sya sa table at nagpatuloy sa pagsasalita. "Uhm, dumating na kasi yung order kong lens ng camera... so yun... kailangan ko ng pick-upin. Nasa condo na daw yung friend ko" Nice. Galing ng palusot. 

"What the hell, Vic!!!" reklamo ni Jessey. 

"What the hell ka din, kailangan ko po sa work yun" tumawa sya. 

"So uuwi ka na?" tanong nung pula. 

"Uhm... yeah" ngumisi sya. "I have to, Redg" palihim akong nagsmile ng makita ko ang pagbagsak ng mundo nung pulang iyon dahil sa sinabi ni Vic. 

"Sabay na ako sayo?" tatayo na sana yung babae ng humanggan si Vic. 

"No no" dinaanan pa ako ng tingin ni Vic bago sya muling tumingin kay Red. "Urgent na din kasi nagmamadali na yung friend ko... di na kita maihahatid" 

"Ok lang...." tss. Bwisit tong babaeng to e. Sinamaan ko ng tingin si Vic. Pero syempre, I made sure na hindi ako nahahalata ng kahit na sino. "Sa condo mo na lang ako matutulog" 

"You can't Redg, I'm sorry. May tinatapos pa akong works e" pagpapalusot nito. "Diba Jess?" nilakihan nya ng mata si Jessey ng mapatingin dito si Red. 

"H-Ha? Actually wala naman---" 

"Diba Jessey?!" ang cute ni Vic. Hhahahahahahaha. Pinigilan kong tumawa, pumikit na lamang ako para mas realistic na wala na talaga ako sa mood, ang di nila alam umaakting lang kami. 

DOWN BY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon