Kapag Sinabi kung Mahal Kita

2.4K 22 0
                                    



"Kapag sinabi kung mahal kita."

By: Juan Miguel Severo


Kapag sinabi kong "mahal kita"

Ang ibig kong sabihin

"Salamat at nandiyan ka"

Kapag sinabi kong "mahal kita"

Ang ibig kong sabihin

"Hinahanap-hanap parin kita"

Kapag sinabi kong "mahal kita"

Ang ibig kong sabihin

"Napapagod din ako"

"Nanginginig ang aking mga kalamnan

Nanlalambot ang aking mga tuhod

Nangangawit ang aking mga braso"

Dahil kapag sinabi kong "mahal kita"

Ang ibig kong sabihin

"Pagpapaguran ko ito"

Hihintayin kita Susundan....

Susuyuin

Dahil ang aking "mahal kita"

Ay hindi nagtatapos sa "mahal lang kita"

Ang aking "mahal kita"

Ay mayroong pagtanggap

Na ito, ito ang hirap na kalakip ng pag-ibig

Yakapin mo

Kapag sinabi kong mahal kita

Ang ibig kong sabihin "malupit ang mundo"

At mamahalin ko ang lahat ng kakampi mo

Kayat hayaan mong dumating ang mga bagyo

Hayaan mong malusaw ako sa araw

Hayaan mong kumbinsihin kita

Na kakampi rin ako Ikaw,

na hantungang inaasam Ikaw,

na kwentong hindi pagsasawaan Ikaw,

ang sandali na parating inaalala Ikaw,

ang kailangan kong pahinga Ikaw,

ang paghinga Kapag sinabi kong "mahal kita"

Ang ibig kong sabihin "masaya ako"

Dahil "Mahal,

gaano mana kahaba ang araw Uuwi ako sayo.





----



Do some COMMENT AND VOTE :) 




Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon