Yung magbestfriend nasa gilid ^__^V Dwyne and Adrian.--
CAR's POV
Mabilis lumipas ang mga araw. Andito kami ngayon sa gym. May try-out kasi for basketball and volleyball players. Kasama ko si Dwyne, siya ang captain ng basketball team namin at ako naman ang captain ng volleyball team namin. Our coach decided to add five more players. Grumaduate na kasi yung mga dating players namin kaya nabawasan kami.
" Okay students, prepare yourselves. We'll start in 10 minutes. Uunahin natin ang try-out for volleyball and then after that for basketball." announced ni coach na kumuha sa atensyon ng mga estudyante.
Nakaupo lang kami ni Dwyne sa may bench habang pinapanood yung mga nagwawarm-up. Maraming tao dito sa gym, halos lahat ata ng estudyante nandito eh.
" Ang daming willing sumali no?" sabi ni Dwyne.
" Oo nga eh, pero syempre yung deserving lang pipiliin natin."
Bigla namang lumapit samin si coach, " Mr. De Castro and Ms. Reign, I'll let you choose and decide the 5 more players that will be added on your team since you are the captain. Be responsible enough to choose the right students. Is that clear?"
" Yes sir." sabay naming sagot ni Dwyne.
After a few minutes, sinimulan na namin ang try-out. Inexplain ko sa kanila ang gagawin. 20 students ang magtatry-out pero lima lang ang mapalad na mapipili. Pinartner ko sila by twos. Hinayaan ko silang maglaro para makita yung serving and receiving techniques nila. Nagtanggal ako ng sampung estudyante at yung mga natira naman ay pinag spike ko ng isa-isa. Yung iba sa kanila, maayos naman yung tira nila pero yung iba hindi. Sa sampung yon, lima lang ang pipiliin ko. Lahat naman sila magagaling pero lima lang talaga ang kailangan ko. Pinagpakilala ko sila at humingi ako ng dahilan sa kanila kung bakit nila gustong sumali. Pinasulat ko yung dahilan nila sa isang papel at doon ako pumili ng limang karapatdapat sumali.
Ronalin Cantong
- I want to join in our varsity team because this is the first step to achieve my dream, to become a well-known volleyball player someday.
Angelica Mallari
- Gusto kong patunayan sa mga magulang ko, lalong lalo na sa papa ko, na magaling ako maglaro di tulad ng iniisip nila. Sa pagsali ko dito, mapapatunayan ko ang sarili ko at magiging isang inspirasyon ako sa mga kabataan.
Clarice Serino
- I want to join not for popularity, but for experience.
Alleisa Aguinaldo
- In a varsity team, unity and cooperation are needed. Gusto kong ma-enhance yung social skills ko together with my playing skills. Alam kong marami akong matututunan sa pagsali ko dito. Idol kaya kita ate Colline.
Krissa Mae Manlogon
- Gusto kong sumali para mas matuto akong maglaro. Sabi nga nila, 'Experience is the best teacher.' Pag ako ang pinili niyo, I swear that I'll do my best for our team.
Sila yung pinili ko kasi compared to others, non-sense na yung reasons nila. Lahat ng kasali sa team namin ay magaganda, para maraming supporters and fans. Hahaha. Well, hindi lang magaganda, sexy at magagaling pa ;)
" I've already chosen the five new members of our team." tumahimik naman bigla yung mga tao dito sa gym nung nagsalita ako. Ramdam na ramdam mo yung tense na bumabalot dito.
BINABASA MO ANG
My Lady Suitor
Teen FictionKapag nagmamahal hindi maiiwasang maging torpe. Takot kang aminin ang nararamdaman mo sa isang tao dahil sa maraming dahilan. Sa storyang ito, babae ang maglalakas loob na manligaw sa lalaki. Si CAR ay isang babaeng manliligaw ng isang torpeng lalak...