Chapter 1
*FLASHBACK*
"Y/N, i'm sorry" yan lang ang tanging lumabas sa bibig nya pag tapos ko sila mahuli ng kapatid ko, sa condo nya na ginagawa yun.
"Pinagmukha mo akong tanga Namjoon." Hindi ko na napigilan ang luha ko at tuluyan nakong umiyak hanggang sa mapaupo nako sa sahig.
"It's not what you think babe! Nilandi nya ko and I---" hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya dahil sinampal ko sya. Ng malakas
"NILANDI KA NYA? SO NAGPALANDI KA NAMAN?! GANUN KA BA KATANGA NAMJOON HA? SABI MO AKO LANG DIBA! AKO LANG. PINANGAKO MO YAN SAKIN PERO ANO NANGYARI? SINIRA MO LAHAT EH." Sigaw ko habang pinagpapapalo ko sya sa dibdib nya.
Masakit. Sobra. Ganun nalang ba yung 4 years na pagsasama namin? Nagsawa na ba sya sakin kaya yung kapatid ko pinag interesan nya?
"Babe, i'm sorry please. Please I'm sorry" naiiyak nyang sabi.
"Tama na. Dahil dyan sa ginawa mo, nalaman ko na hindi ako para sayo. Itigil na natin toh" malamig kong sabi bago tuluyan na umalis sa condo nya.
*END OF FLASHBACK*
Pag tuwing sumasagi sa isip ko yun, hindi ko maiwasan na hindi maiyak. Bakit? Dahil sya ang first boyfriend ko, first love. Naging kami nung 4th year college. Hindi ko alam na sa 4 na taon naming pagsasama, eh 2 taon na rin sila may lihim na relasyon ng kapatid ko. Pano ko nalaman? Inexplain nya sakin through text. Hindi ko nagawang replyan dahil sa sobrang sakit.
Mahal namin ni ate ang isa't isa kaya hindi ko lubusan na maisip na nagawa nyang traydurin ako.
Pagtapos mangyari yun, nag pa book ako ng flight papuntang South Korea at dun na tumira habang buhay. And now, here in SoKor, dito nako tuluyang naka move-on. Naghanap ako ng trabaho at yun gawin pampalipas oras kesa maagnas dito sa condo na tinitirhan ko.
Kung nagtataka kayo kung asan ang mga magulang ko, well patay na sila. My mom and dad died at a very young age. 63 and 67. Cause? Suffocation. Nasunog ang bahay namin dati at naiwan sila eomma and appa sa loob ng bahay, niligtas nila kami ni eonnie. Kaya simula nun, tumira kami sa condo na nabili ng parents namin pero pagtapos ng nangyari saming tatlo nila Namjoon, mas pinili ko na tumira mag isa dito sa SoKor.
Andito ako ngayon sa condo ko, nasa veranda umiinom ng coffee while reading a book. Hininto ko saglit ang pagbabasa at tinignan ang mga nagtataasang mga building sa tapat ko at mga kotse na parang langgam sa liit sa baba ko. Tumingin ako sa gilid ko at nagulat ako sa nakita ko sa tabi kong unit. No it can't be. Namamalik mata lang ako.
"Shit" yan nalang napasabi ko nang hindi ako namamalik mata. Sya nga yun! Pero bakit sya andito? Sinundan nya ba ako? Pero matagal na nangyari yun. 5 years ago.
Nakita ko sya na nag aayos ng mga gamit nya. Well halatang halata na bagong lipat sya kasi andaming naka kalat na mga boxes especially sa veranda nya.
Dali dali akong pumasok sa loob at nagtago ng muntikan nyako makita dahil lumingon sya sa gawi ko.
"Fuck Y/N, wag ka lang magkakamali na magpakita sa kanya." Sabi ko sa sarili ko
--------
End of chap 1. Annyeong~ hahahahaha 2nd fanfic story ko ito and sana magustuhan nyo. Hindi po ako araw araw makakapag update kasi busy na us sa school😭so ayun babye po!~-pinaka magandang nilalang sa balat ng lupa
BINABASA MO ANG
Can I be with u forever? | knjm tagalog fanfic (On-Going)
FanfictionNakagawa ka ng pagkakamali sa girlfriend mo. Isang MALAKING PAGKAKAMALI. Gusto mong maitama yun at bumawi sa kanya pero ang tanong, may chance ka pa ba na mabago yun? t a g a l o g