Paano mag MOVE ON?

19 0 0
                                    

SA MGA DI MKA MOVE-ON

Marami sa atin ang pumasok sa isang relasyon, naging seryoso ng sobra sobra at nasaktan. Pero parte yan ng buhay natin. Hindi tayo matututo kung hindi tayo madadapa. Ang buhay, hindi puro rainbows at butterflies. So kung nagtatanong kayo kung pano mag move on? Here's how.

Wag kang feeling strong. Umiyak ka, umiyak ka ng umiyak, umiyak ka hanggang gusto mo, hindi masama umiyak.Minsan pag sobrang sama na ng loob mo, ang sarap umiyak. Kasi ang pag momove on wala yang shortcut.. Hindi yan laro na pwede mo gamitan ng cheat code.

Siguro isa ka rin sa mga tao na sinabing. "OO NAKAPAG MOVEON NA AKO" Pero pag nakita mo sya bigla kang nalalanta, nanlalata yung mga tuhod mo at minsan parang tinutuhog yung puso mo. O ano? Nakapag move on ka na nga ba? Makulit ka eh.

Alisin mo sya sa facebook account mo, I unfollow mo sya sa twitter mo. Bitter? Oo pero kelangan. Hindi naman totoo yung pag nag break kayo na "Sana friends parin tayo" Para mo na ring sinabing Itatabi ko tong aso ko kahit patay na sya. Burahin mo lahat ng pictures nyo together, kung ano mang bagay ang naiwan nya sayo, Isauli mo, kung ayaw nya tanggapin. Sunugin mo. Kasi sa mga maliliit na bagay na yun nakatago lahat ng sakit.

Magdasal ka. Humingi ka ng guidance from above, humingi ka ng strength para malampasan mo ang pinagdadaanan mo ngayon. You need his divine intervention.

Libangin mo sarili mo, Meaning wag kang mag focus sa kakaisip sa kanya,kasi the more na iniisip mo lalo ka lang mahihirapan. Isipin mo kung bakit umiikot ang mundo o bakit gawa sa tubig ang dagat. Bakit mainit ang apoy o bakit mabaho ang utot. Promise pag nasagot mo na yang mga yan im sure nalimutan mo na sya.

Mag focus ka sa ibang bagay. Sarili mo lang ang makakatulong sayo. Binigyan ka ng kakayahan ng Diyos para tulungan ang sarili mo.

Magkusa ka kasi walang taong makakapagsabi kung kelan ka man dapat maging masaya. Kasi at the end of the day ikaw lang ang tunay na nakakakilala sa sarili mo.

Para masabi mo sa sarili mo na karapat dapat kang mahalin, mahalin mo muna sarili mo. Dapat maging okay ka muna. Mahalin mo ang sarili mo ng lubos. Mahalin mo hanggat wala pa yung tamang taong naka destined sayo kasi kung hindi mo kayang mahalin ang sarili mo. Wala ka rin capability para mahalin ang ibang tao.

Hindi sagot ang pagpapakamatay o paglalaslas. HELLO?! Sa tingin mo babalik yung alala nyo sa kada hiwa ng blade na ginagawa mo? Sa tingin mo Magkakabalikan kayo pag nagpakamatay ka? Isang tao lang yun uy! Napakaraming tao sa mundo and I'm sure na isa dun ay nakatadhana sayo.

Paano mag MOVE ON?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon