THIS IS NOT MY STORY. This story is from Jamich Video and made by Marcelo Santos.
Sabi nila:
Masarap magkaroon ng bestfriend.
May taong proprotekta sa'yo.
May taong magpapasaya sa'yo.
Pero handa mo bang itaya ang pagkakaibigan?
Para sa hinahangad mong pagmamahalan?
Princess's POV
Ako si Princess. 18 years old.
Grade three pa lang ako. Palagi ko nang kaklase si Ivan. Pati sa highschool , hanggang ngayong college. Magkaibigan kasi mga magulang namin. Kaya kung nasaan ako, nandun din siya. Isang araw...
"Bakit sumali ka ng fraternity?" tanong ko
"Wala lang gusto ko lang." sabi niya
"Alam mo bang delikado yan?" tanong ko
"Alam ko tong pinapasok ko." sabi niya
Matapos ang araw na yun, hindi ko na siya nakikita sa school. Hindi na rin siya nagtetext. Kamusta na kaya siya?
Pinuntahan ko siya sa bahay nila, pero hindi ko siya naabutan.
Namimiss ko na yong bestfriend ko. Namimiss ko na si Ivan. Ang lalaking lihim kong minamahal..
Lumipas ang mga araw.....
Madalas na siyang pumapasok.
Minsan kinausap ko siya, pero parang iniiwasan niya ako.
"Ano na bang nangyayari sayo Ivan?" tanong ko
"Wala" sabi niya
"Meron kang hindi sinasabi sa akin" sabi ko
"Wala akong dapat sabihin" sabi niya
"Anong wala? bakit palagi kang absent? bakit palagi kang umiiwas? bakit hindi ka nagrereply sa text ko?" tanong ko
Bigla siyang umalis palayo sa akin. hinabol ko siya.
"Ivan, ano ba talaga nangyari sayo?" tanong ko
Humarap siya sa akin at nagsalita:
"Bakit mo ba ako pinapakealaman? ano ba kita?" tanong niya
Natahimik ako sa sinabi niya. Ano ba niya ako? Isa lamang akong hamak na bestfriend.
Hanggang dun nalang yun umalis siya at hindi na nagpakita. Hindi narin ako nagtext. Hindi narin ako pumupunta sa kanila.
Makalipas ang dalawang linggo...
May natanggap akong balita. Nasa ospital daw si Ivan. Malubha ang lagay. Agad akong sumugod sa ospital.
Pero pagdating ko....
Wala na siya. Namatay si Ivan sa hazing...
Halos namatay narin ang puso ko. parang ayaw ko na ring mabuhay..
T_T
Iba tong nararamdaman ko eh...
T_T
MAHAL ko siya pero huli na...
MAHAL ko siya pero wala na... niyakap ako ng mama niya at iniabot sakin ang cellphone ni ivan.
"Princess, iha. basahin mo" sabi ni Tita Karla
"Pare huwag niyong galawin ang bestfriend ko, ginawa ko naman ang sinabi niyo di ba? Nilayuan ko na siya. Basta huwag niyo lang gagalawin si Princess.. MAHAL KO YUN EH!"
-THE END-
-ColdRaven
BINABASA MO ANG
TEXT Story (A Marcelo Santos Story)
Teen FictionTEXT STORY (SHORT STORY) (A MARCELO SANTOS STORY) Best Friend Short Story Sabi nila: Masarap magkaroon ng bestfriend. May taong proprotekta sa'yo. May taong magpapasaya sa'yo. Pero handa mo bang itaya ang pagkakaibigan? Para sa hinahangad mong p...