EDITED
[Ivan's POV]
"What? Wala bang pwedeng pumalit sa akin?" Asar akong napasuklay sa buhok ko. Nandito kasi ako ngayon sa office. Para sana magfile na ng nine month leave ko para sa pregnancy ni Lauren pero eto ako ngayon, natambakan ng trabaho.
"Sir, sa'yo lang po kasi may tiwala ang mga suppliers natin from Italy, kaya po ikaw lang po ang hinahanap." Inis kong iniabot ang folder. Shit! Four months? Four months kailangan kong pumunta ng Italy? Para jan sa letseng deal na 'yan!
"Can we just.. Ah. Cancel it?"
"Sorry sir, baka po mag'back out na sila kapag di pa natin naasikaso ngayon." Napasandal ako sa swivel chair ko. Damn. Hindi ko ata kayang pumunta ng Italy at iwanan si Lauren. Kahit na malakas na ang baby ay hindi dapat ako magpakakampante.
"Sir.."
"Sir," Nagbalik ako sa huwisyo ko. Hindi ko pwedeng hindian ang proposal na 'to. Tch, pero hindi ko din pwedeng iwanan sila Lauren dito.
"Sir, di ko pa naman nababanggit na after 10 months pa ang deal na ito." Napalingon naman ako. Shit after 10 mos pa pala.
"Okay then. Ako ang aasikaso niyan after 10 months. Pero for now paki'asikaso ang 9-month leave ko. 2 months na kasing buntis ang girlfriend ko." Pinirmahan ko naman ang papeles saka umalis na ng opisina.
Bago umuwi, dumaan muna ako ng grocery.
-
CONDO
Pumasok ako sa unit ko at nakita ko lang si Lauren sa kitchen.
"Babe, ako na yan." Saka ko kinuha ang basong hinuhugasan niya.
"Ano ka ba, ako na yan."
"Ayoko, umupo ka na lang dun, ipagluluto kita ha?" Umupo naman si Lauren sa dining table. Sinimulan ko namang magluto na.
"Ivan? Ano kaya magandang pangalan para sa baby?" Nakangiting tanong ni Lauren.
"Depende kung boy or girl."
"Ako gusto ko Laurence Ivan kapag lalaki, tas kapag naman babae, Laira Ivannah." Napangiti naman ako. "Para kasunod sa pangalan natin di'ba?" Siya naman ngayon ang nakangiti sa akin.
Pinagpatuloy ko lang ang pagluluto ko. Pagkatapos kong magluto ay kumain lang kami ni Lauren habang masiglang masigla siya sa pag'kukwento.
[Lauren's POV]
Nakatapos na kami ni Ivan ng pagkain. Ang sarap talaga niyang magluto kahit kailan.
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETED
RomanceHow can you forget your ex boyfriend when you are about to bear his child?