Endlessly (One-Shot)

36 1 0
                                    

Napapangiti ako sa harap ng salamin habang inaayos ko ang pulang necktie na nakakabit sa leeg ko. "Naks, ang gwapo ko talaga". Napapaisip ako kung ano ang maaring mangyari mamaya. Kinakabahan ako... Ito na yun, ang araw na pinakahihintay ko, araw na pinakahihintay NAMIN.

Napatigil ako sa pag-iisip nang may biglang pumasok. "Are you ready son?" sabi ni Mama. Ngumiti na lang ako bilang sagot. Nakita kong pinunasan niya ang pisngi niya, tanda na siya ay umiiyak. "Mom, Aren't you happy for me? Alam mo namang mahal na mahal ko sya, ito yung pangarap ko." Sabi ko. "No, It's not that. Masaya ako para sa'yo. Tears of joy lang 'to." Sagot naman ni Mama. Hay naku, ang Mama ko talaga. Niyakap ko na lang ito. "Tara na."

***

Here it is. Bumukas ang malaking pintuan ng simbahan. Lahat ng tao rito ay napatingin sa mga taong papasok, pagkatapos ay tumingin naman sakin. Mga lumuluha at nakangiti sila. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.

Katabi ko na sya ngayon. Napatingin ako sa kanya. Napakaganda niya lalo na't may suot syang wedding gown at may hawak syang bulaklak. Sobra. Hindi ako nagkamali sa pagpili sa kanya.

"Xander Torres and Chelsea Ann Cruz, Today you enter as individuals, but you will leave here as husband and wife, blending your lives, expanding your family ties, and embarking upon the grandest adventure of human interaction. The story of your life together is still yours to write. All those present have come to witness and celebrate your love and commitment this day - eager to a part of the story not yet told." Panimulang bati ng pari.

Natapos na't lahat lahat ang pagbasa ng pari ay hindi ko pa rin naaalis ang tingin ko sa kanya. 

'Eto na. Ang vows..

Nagtanong ang pari at agad ko itong sinagot... "I, Xander, take you, Chelsea, to be my wife, my constant friend, my faithful partner and my love from this day forward." Habang sinasabi ko ang mga katagang yan ay hinawakan ko ang kamay nya. Malamig... Siguro kinakabahan sya? Napangiti ako sa iniisip ko.Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang noo niya.  Ngunit agad na tumulo ang luha ko.

"Are you happy?" tanong ko habang tuloy-tuloy na tumutulo ang luha ko."Natupad ko yung pangako ko. Yung pangako kong pakasalan ka ANUMAN ANG MANGYARI."

Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Sorry, hindi kita naprotektahan.

Ibinigay na sa akin ang wedding rings.

"Chelsea, I give you this ring as a symbol of my love. As it encircles your finger, may it remind you always that you are surrounded by my enduring love." Habang sinasabi ko ang katagang yan ay hawak ko ang kamay nya. Ganun parin, malamig pa rin.

Pagkasuot ko ng singsing sa kamay niya ay hindi ko na napigilan pa ang pag-iyak ko. Napaluhod ako. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya. Dun ko napansin ang kulay pula na nasa bandang dibdib nya, pati na rin sa bandang paanan ng gown. Bigla kong naalala ang nangyari. "Sorry. I'm sorry, Chelsea. Hindi kita naprotektahan. Patawarin mo sana ako. Sorry."

***FLASHBACK

Andito kami ngayon sa shop kung saan kami namili ng wedding gown na susuotin nya sa kasal namin. Hay, matagal naming pinagplanuhan ang kasal na'to. Akala namin ay hanggang plano na lang kami kase dumating sa point sa malala ang mga nagiging away namin. Pero salamat sa Diyos  dahil nalagpasan naming ang mga pagsubok at sana, malagpasan namin ang mga darating pang pagsubok.

"Sir, look"

Napatingin naman ako sa tinuro nya. Halos mapanganga ako sa nakikita ko. LITERAL.

Endlessly (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon