"Mom, Saan tayo pupunta?" tanong ko sakanya habang kami ay naglalakad sa madilim na daan at ang tanging ilaw lang namin ay ang flashlight.
"Basta Seira, sumunod ka nalang at humawak ka ng mahigpit saakin" tugon niya ngunit di niya ako tinignan.
Lakad lang kami ng lakad.
lakad ng lakad ng lakad ng lakad.
Magiisang oras na kami naglalakad. Hindi ko alam kung saan kami tutungo, hindi ko alam kung saan kami pupunta hindi ko alam kung saan kami makakarating.
Siya lang ang may alam, Si mom lang ang may alam.
Huminto siya, huminto kami sa isang malaking gate. Gate na kulay itim.
At ang nakalagay doon ay Araullo High.
Araullo High? Ngayon ko lang narinig yun, ngayon ko lang din nakita toh.
"Seira, iiwan na kita dito." sabi niya at agad akong napatingin sakanya
bakas sa mga mata niya na sobrang lungkot niya.
bakit kailangan niya ko iwan?
bakit kailangan dito pa?
"Pero Mom!"
biglang lumiwanag ang lahat, sa pagkawala ng liwanag nawala narin ang lahat. nawala si mama, nawala ang flashlight at ang tanging natira lang ay ang Araullo high.
Ano bang meron dito? Bakit andito ako?