Love Songs Syndrome

547 9 9
                                    

Song: Maniwala Ka Sana -- Parokya ni Edgar

Ngayon ay nagsisisi kung bakit ako nag-ilove you

Kasi di na tayo tulad ng dati

Ngayon sa akin ay diring diri.

Bakit nga ba kasi ako nag- I love you kay Kath? Edi sana kasama ko sya ngayon kumain ng lunch, maging teammate sa Dota, magpost ng kung anu-anong kalokohan sa 9Gag. Badtrip talagang buhay to. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ko hinayaang masira yung pagkakaibigan namin ng pitong taon. Oo mga 'tol! Pitong taon ang nasayang dahil lang sa talong pesteng salitang yun: I love you.

Nakakatawang isipin na yung pitong taong pinagsamahan namin eh nawasak lang bigla dahil sa pakingsyet na corning mga salita na yun. DAMN!

Hindi ko nga ba malaman kung bakit bigla na lang ako nainlove dun kay Kath. Hindi naman sya yung tipo ng babaeng pag inihalo mo sa ibang mga babae eh sya yung unang una mong mapapansin. Simple lang kasi sya. Simpleng manamit. Walang arte sa katawan. Kumbaga one of the boys sya, cowboy pa kung umasta.

High school kami unang nagkakilala. Kung di pa nga lumapit sakin yun, hindi ko pa sya mapapansin eh. Simple lang kasi syang babae. Hindi naman ganun kaganda. Akala ko nga tomboy yun eh. Ang angas kasing maglakad, parang laging may kaaway.

"Oy. May nakaupo dito?"

Nagulat nga ako nung nagsalita sya nun. Pati boses, ang angas. Wala man lang excuse me o ano. Tiningnan ko yung katabi kong upuan nun, iyon pala yung tinutukoy nya. Tiningnan ko muna sya nun bago ko sya hinayaang maupo. Nakasimpleng T-shirt lang sya at maong pants. Nakasneakers. Maangas syang nakatingin sakin nun habang ngumunguya ng bubble gum.

Naging seatmates nga kami nung araw na yun. Hanggang sa naging magkakilala na din kami. Lagi naming pinag-uusapan yung Ran at Ragnarok nun. Adik din sya dun dati eh. Hanggang sa nagkaroon na ako ng mga katropa sa Dota, pati sya naging member na din. Sya lang yung nag-iisang babae. Madalas ko pa syang kateam eh. Pustahan kami palagi nun sa computer shop ni Ka Eway.

Nagtuluy-tuloy ung pagkakaibigan namin nun. Hanggang sa naging bestfriends na kami. Nakakasama ko sya palagi. Pag may lakad ang grupo. Kapag may birthday sa mga classmates namin. Ako ang laging taga-hatid at taga-sundo nya. Ako din yung naging date nya nung JS prom.

Dahil na din sa impluwensya nya kaya parehas kami ng college na pinasukan. Hindi ko alam kung doon na nagsimulang mag-iba yung tingin ko sa kanya noon.

Kumbaga sa pokemon, nag-evolve si Kath. Kumbaga sa metamorphosis, naging napakagandang paru-paro nya. As in mga 'tol! Gumanda talaga si Kath, sobra! Ang laki talaga ng pinagbago nya! Ang dami ngang mga lalaking nagkakagusto dun eh.

Freshman years. Ganun pa din yung turingan namin sa isa't isa. Tropa. Barkada. Bestfriend. Ka-dota. Kainuman. Kahit minsan, busy kami pareho, hindi pa din nawawala yung bonding time namin. Lagi ko pa ding pinipilit nun na sabayan sya sa pag-uwi. Isa akong almost perfect na best friend sa kanya.

Second year college. Pinormahan sya ni Dave, sikat na varsity player. Mayaman, gwapo, may auto pa. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ung nararamdaman ko nun kapag nakikita ko silang magkasama. Mga 'tol, ang corny mang aminin pero ang bigat talaga ng dibdib ko lalo na kapag nagkekwento sya tungkol sa mga nagiging date nila. Para bang gusto kong ilampaso yung mukha nung Dave na yun sa semento. Badtrip talaga. Selos ba yung tawag dun?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Songs SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon