"Ano??!! Masarap ba ang asawa ko??!!?"
nanggagalaiting tanong sakin ng isang babae. Haaay parang telenobela lang, ang arte!
"Oo! Masa--"
*pak*
sinampal niya ako, na siyang sanay naman ako, Letse! Magtatanong pa kasi, akala mo naman malakas ang loob niya.
"You bullsh*t!!" sigaw niya sa akin.
"its a BITCH." pagcocorect ko. Plain lang yung pagkakasabi ko. Sabay taas kilay. Pero ewan ko ba, mas lalo ata siyang nagalit.
"You animal! " at ayun sinugod ako, sinabunutan ba naman ako? At Bakit ako magpapatalo? Duuh,,. And not to mention on it, nasa mall kami ngayon, agaw eksena ba? Well, SOBRA!! Nakakatuwa talaga yung mga ganitong bagay, nakakaagaw atensyon!
And I love Attention.
"walang hiya ka! Mang-aagaw ka!" walang humpay na sigaw niya sakin.
"oh ano? Masakit ba? Hah! Alam ko di ka sanay sa sabunutan." pang-aasar ko. Lengya naman eh, ang tamlay humila ng buhok, walang tense.
"you!" sigaw na naman niya. Nakakarindi ah. tinulak ko siya. Ayun tumba! Palibhasa payatot. Version ng mga Barbie.
Humagulgol nalang siya sa sahig ng mall, yuck! Nakakahiya siya, parang bata na iniwan ng magulang.
And then, I walked out. Ganon lang naman ang lagi kong ginagawa. Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos, puro kamalasan lang ang ginagawa ko sa ibang tao, kumbaga, naninira ako ng isang relationship. Hindi lang yung magkasintahan eh, ang pinaka-Bet ko---- yung may asawa.
Sabihin na nilang kontrabida ako, wala akong pakialam, dahil kahit anong pilit kong ipaliwanag ang sarili ko sa kanila, hindi rin nila ako iintindihin at maiintindihan.
Lahat naman ng kontrabida ay may other side, yun nga lang walang may pakialam. Pwes, kung ano ang sinasabi nila tungkol sa akin, eh di ika-career ko nalang para mas masaya. Why do I have to explain my side if kaya ko namang gawin ang sinasabi nila.
Callgirl,
yan ang tawag nila sakin, but I'm not that stupid to become one. Kasi ang mga callgirl nagpapagalaw, eh ako mukha ba??? Siguro nga sa paningin ng iba, the way I dress, walk, talk and move. Pero diba nga sabi ko, di ko kailangan i-explain ang sarili ko sa kanila, tatanggapin ba nila ako dahil alam nila kung sino talaga ako,
o kung di nila ako tatanggapin, wala akong pakialam.
Pumunta ako ng starbucks, and then I saw some students took a picture of their foods and specially the drink. If I know, ipopost lang nila ito sa social media just to impressed people that they can afford these products, they are so pathetic, for short, social climber. Kakain nalang pipicturan pa. tsk.
Dumaan ako sa gilid ng isang estudyanteng may hawak ng mug at kunwaring nasagi ang braso niya.
"oh, my apology." I stopped from walking and I look at her.
"ah, okay lang po." she said with calmly voice.
"anong okay? nabasa ang phone ko, Amery! Do you think its okay?!" singhal ng katabi niyang mas maarte pa ako.
Tumilapon kasi ang inumin nitong tinawag niyang Amery sa Cellphone niyang nakapaibaba para makapag-pose sa harap ng cam.
"gumagana pa naman diba? Ibig sabihin ayos pa eh." sagot niya rito.
"tss. ewan ko sayo." sagot nito, at humarap sa akin."Tingin-tingin rin kasi sa daanan pag may time. Tatanga-tanga kasi," bulong niya na siya namang dinig ko and then ibinalik ang tingin niya sa cellphone.
Palaban na bata. Bata na marunong nang gumawa ng bata.
I hate her guts. Akala niya hindi ako papatol? well, lahat pinapatulan ko.
"Sorry ha, kung di ka lang kasi ambisyosa na pinapasikat ang old-fashion mong cellphone at may paselfie-selfie pang nalalaman just to prove your self to others na you are rich, hindi sana mababasa ang old fashion mong cp. Kaya sana next time, bago ka bumili ng mamahalin mong pagkain, bili ka na rin ng latest na cellphone, para hindi ka mahuli sa trending."
tumalikod na ako at tumigil saglit,
"and also, this place is not a cafeteria nor a canteen, just to inform you. nakakahiya kasi, nagmumukha kayong tambay" Again, I walked out.
Hindi ko alam, pero parang ang sarap sa pakiramdam ko, na masangkot sa mga gulo, at sakit ko na ata talaga ang pagiging trouble maker. This makes me feel better.
Kinabukasan...
Today, is a new day and for me every day is a new day. Ang sarap gumala at maghanap ng pwedeng sirain. Everything is perfect for me, perfect to ruin everything. Ano kaya ang pwede kong gawin sa araw na ito? Syempre magpaganda! And the best thing to do, magpasikat sa tao, banggain lahat ng humaharang sa daan at hayaan silang tumingin sa akin, hindi ako mahihiya. At Dahil sa maganda ako, ayokong yumuyuko, masyado akong maganda para yumuko.
"Aray ko na man miss!" I heard from anyone. Tumingin ako sa kanya. Hindi na masama, mukha siyang tao.
'Aray...', ito ang ginagamit na term kapag mahirap,
'ouch...' naman kapag maarte at nagfe-feeling mayaman,
'p*ta ang sakit...' kapag totoo ka sa sarili.
Wala lang, reality naman. Haaay. So kung ibabase ko sa sarili kong vocabulary, under siya sa mahirap.
"magso-sorry na ba ako?" tanong ko.
"hindi? hindi, ako na ang magso-sorry," sarcastic niyang sagot.
"tanga naman nito, siya na nga nakabangga, magtatanong pa, tsk." Sabi niya habang nakatingin s sa left side. Wow! Napataas ako ng kilay sa kanya.
"what did you say?"
"hindi ka lang pala tanga, bingi pa." at ngayon tumaas na nga talaga ang altapresyon ko.
"........." sh*t di ako makasalita.
"ano? Pipi ka na rin? Alam mo miss, wag ka panira ng mood. Huh? ang aga-aga nagpapagaga ka na. Hindi sayo ang mundo, Malaya ka ngang nakakagalaw, pero sana hayaan mo rin ang iba na gumalaw. Maganda ka sana yun nga lang PBB ka at tanga pa. At wag mong isiping teen-edition ng PBB, kasi ikaw ang edition ng Pipi, bulag at bingi. Ay nakalimutan ko tanga rin pala.. tss..."
I was left dumbfounded. Hinayaan ko na rin siyang magsalita ng ganon sakin. Because some part of it, is true. Hindi na rin ako nagsalita dahil kusang bumabalik lahat ng sakit sakin.
Oo, minsan na rin ako naging tanga, dahil nagmahal ako sa mga taong hindi naman pala ako kayang mahalin.
Bulag? nagbulag-bulagan ako sa lahat kahit alam ko ang totoo, masama bang maniwala kahit minsan lang sa isang tao?
Pipi at bingi, hindi ako nagsalita kahit alam ko ang totoo, at nagbibingian sa lahat ng naririnig ko.
Akala ko konti lang ang nagpatama sakin sa sinabi ng babae, halos lahat pala ay tumagos. Parang ang sakit na ipamukha ulit sa akin. And I really really hate it. Mabuti nalang at hindi na ako marunong umiyak. Kung noon halos araw-araw ay may lumalabas na tubig sa mata ko, ngayon puro init at poot lang, at wala ng iba pa.
Alam ko hindi akin ang mundo, pero masama bang kahit minsan angkinin ko muna ang mundong kinagagalawan ko?
Hindi ko alam kung bakit nagda-drama ako, ang lakas kong makahugot ngayon ha, New Day nga talaga! Napatawa ako sa sarili ko. Bakit ba ako magpapalungkot, eh ang saya ng buhay ko. Ang tanong, masaya nga ba?
<><><><><><>
👠👠👠Miss Heels👠👠👠
BINABASA MO ANG
Impulsive Flames #Wattys2019 (on-going)
ЧиклитSa kwentong ito, Hindi ako ang bida. Hindi ako yung inaapi. Hindi ako yung umiiyak At lalong Hindi ako yung mabuting tao. Handa ka bang makinig? Hindi ako ang Bida. Pero ako ang Kontrabida. 👠👠👠Miss Heels👠👠👠