Tumunog ang ringtone ng cellphone ko. Nakakabigla. Wala naman kasing nagte-text sakin. Pang-selfie, pang-alarm, music at laro lang ang silbi ng cellphone ko. Kaya nakakagulat talaga ng may makita akong unregistered number dito sa cellphone ko.
Wait. Dapat pa ba akong mabigla. Number pala 'to ni ex. Hindi ko nga alam kung bakit saulo ko pa din ito. Ah, hindi. Pamilyar lang ako sa numero. Hindi ko saulo.
Duh! Sinong niloko ko?! Alam naman ng lahat kung paano ko siya minahal noon.
-Oy!
Yan ang text niya sa akin. Hindi ko alam kung anong reaksyon ko. Kung kanina, nagugulat ngayon napapataas naman ako ng kilay. Am I affected?
Kasi naman may girlfriend na kaya ito. Ano kayang kailangan nito? Wala naman siguro akong utang sa kanya. Saglit.
Wait. Meron ba? Utang? Wala. Wala akong utang. Ako pa.
Tinignan ko ang cellphone ko at nagsimulang mag-type.
-Bakit? May utang ba ko sayo?
Ilang minuto nag-reply siya.
-Wala. HAHAHA. Nakakatawa ka pa rin talaga.
Ha-ha. Mukha ba akong clown? Mabuti na lang at hindi ako pikon. Nagreply ulit ako ng isang malamig at malaking
-K.
Napaisip ulit ako. Hindi pa ako pikon sa lagay na yan, ha. LOL
Binaba ko na ulit ako cellphone ko at nanood ng palabas sa t.v. Ilang minuto lang nag-reply na naman siya. Ghad! Ako na nga ang umiiwas dito. Ano 'to? Di uso ang pakiramdaman?
-Kdot. Nakakaasar ka talaga.
Napangiwi ako. Ako pa ngayon ang nakakaasar. I cannot. Nagreply ulit ako.
-Baket?
Nagreply ulit siya.
-Kasi nami-miss kita.
Napataas ulit ang kilay ko. Really? Natatawa ako sa mga pinagsasabi niya. Kaya nag-reply ulit ako.
-HAHAHA. Shet. Ganda ko talaga.
Mabilis siyang nag-reply.
-Hindi na ba talaga pwede?
Nawala ang ngiti ko sa nabasa ko. 'Hindi na ba talaga pwede?'
Ang salitang ayaw kong marinig o mabasa. Lalo na kung mula sa kanya. 'Hindi na ba talaga pwede?' Nakakatawa. Parang dati lang ako ang nagsasabi ng mga salitang iyan. Ako ang nagmamakaawa.
Nakilala ko siya sa isang subject ko. Tumabi siya sa akin noon. Akala ko naman nagandahan sa beauty ko. Ayun naman pala, kinopyahan niya lang ako. Pagkatapos ng quiz namin, hinarap ko siya at inapakan ang paa.
"Ang kapal ng mukha mo! Hindi tayo close tapos ang lakas mong mangopya!" Sigaw ko sa kanya. Inapakan ko ang paa niya.
"Aray! Ano ba yang paa mo! Pang-higante. Shet!" Mura niya. Tinawanan naman siya ng mga kaibigan niya. Iniwan ko siya doon ng namimilipit ang paa. Thank God, I wore my stilletos. I wore a deadly weapon.
Nagreply ulit ako sa kanya.
-LOL. Kalokohan mo talaga kahit kailan.
Nang sumunod na pagpasok ko sa klase ko kung saan kaklase ko siya, nantrip na naman siya. Tumabi siya sa akin at may nilagay na papel sa tabi ko. Binasa ko iyon
'Hindi naman kita kinopyahan. Tinignan ko lang ang pangalan mo.'
Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya na parang baliw.