Salamat sa pagbabasa goise. Sana huwag niyo ding kalimutan mag VOTE, COMMENT AT MAG-FOLLOW. Gawin niyo lang ang tatlong yun at mag-rerequest ako sa SCANDAL na gawan kayo ng fansigns haha, nah I’m just kidding! Enjoy! BTW, that's young Mami on the right w/ the pink BUSKER'S. Very very very first electric guitar niya po iyon:))
…
Mami’s POV
Pinark ko na ang bisikleta ko sa usual spot ko sa parking lot. In-adjust ko yung scarf ko at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad papasok ng Caless. Binati ako ng mga kohais ko at binate ko rin sila, ayaw ko naman maging snob sa paningin nila. Sa totoo lang, ayaw ko ang atensyon na binibigay nila sa akin. Ayaw ko kung naglalakad ako tatabi sila kasi dadaan daw ang “The Greatest Guitar Player in Caless.” Ayaw ko na kung kumakain ako ng mag-isa sa cafeteria pati pag-nguya ko pinagmamasdan nila. Ayaw kong lahat ng eyeballs nakasunod sa lahat ng ginagawa ko.
Sa madaling salita, ayaw ko na na no-notice ako.
Lumabas na ako ng locker room at nagtungo sa taas. Binati rin ako ng ibang teachers. Pagpasok ko sa String Room nakita ko na magkatabi sina Tomomi at Haruna at mukhang may pinag-uusapan. Kumuha ako ng silya at umupo sa tabi ni Tomomi. Naki-usi ako sa music sheet na sinusulatan ni Tomomi. “Ano naman yan?” Tanong ko. Napatingin sa akin sina Tomo at Haru, nagulat siguro sa presensya ko since mukhang atat na atat talaga sila sa sinusulat nila. “May kino-compose kasing kanta si Tomomi eh, kaya lang one-fourth pa lang ng melody ang natatapos.” Sabi ni Haruna. “Pero kompleto na ang lyrics.” Dagdag ni Tomomi at pinakita sa akin ang music sheet na sinusulatan niya. “Charan! Galing-galing na best friend mo noh?” Siya mismo ang nagbabati sa sarili niya, sira talaga. Kinuha ko ang music sheet sa pagkakahawak niya at binasa ito. Habang ina-analisa ng mata ko ang bawat isang nota, parang naririnig na rin ng tenga ko ang rhythm at melody ng kanta.
“Ang cool ah.” Binalik ko sa kanya ang sheet.
“By the way, asan ang gitara mo?” Nanlumo ako ng banggitin yun ni Haruna.
A day before…
“Anjan na si Mami o!” Sabi ng isa kong kaklase.
Nasa paaralan kasi ako, hindi sa Caless ah sa high school na pinapasukan ko. Lahat sila nagkumpulan sa upuan ko at para bang may hinihintay. “Ano’ng meron?” Nagtatakang tanong ko. Ngumiti silang lahat at kinilabutan naman ako, ano na naman ba ‘tong pinaplano nila? Nakakatakot kasi ang mga ngiti nila. “Baka kung ano’ng trip na naman yan ah,” mahinang sabi ko at umupo na sa upuan ko.
“Mami-chan, parinig naman ng gitara mo o,” sabi nung isa.
Napatingin ako sa kanya. “Anuka mo?” Sabi ko. “Eh… Palagi ka kasing may dalang gitara eh pero ni hindi ka naman namin naririnig tumugtug,” sagot nung isa. Tinignan ko ang atat na atat nilang mga mata na nakatingin sa akin. Aayaw sana ako, ayaw kong tumugtug sa mga taong hindi naiintindihan ang ibig sabihin ng salitang musika. “Huwag na—“
“Sampol! Sampol! Sampol!” They chanted.
Wala akong magawa. Ayaw ko naman maging pambansang KJ sa loob ng klasrum. Tumayo ako para kunin ang amplifier ko na nasa likod ng klasrum. “Saan ka pupunta?” Tanong nila. “Kukuha lang ako ng amplifier.” Sagot ko. Muntik naman akong mapatalon ng may bigla-biglang nag-abot nito sa akin. Nagpasalamat ako at bumalik sa upuan ko. Kinuha ko sa wooden case ang aking kulay pink na BUSKER'S BSE nilagay ang jack sa dulo at in-adjust ang sound effects nito. Sinumulan ko ng itugtug ang isang solo na kabisadong-kabisado ko. Nang matapos ako, nag-bow ako sa kanila at nag-hiyawan naman sila.
“Waaah! Ang galing!”
“Totoo nga ang sabi ng kakilala ko na nag-aaral sa Caless, isa ka nga sa pinaka-magaling!”
“Da best!”
“Pre, kaya mo yun? Si Mami lang ang makakagawa nun!”
Medyo uminin naman ang mga pisngi ko ngunit ngumiti lang ako at nagpatuloy lang sa pagpapasalamat. Tumahimik ang lahat ng may marinig kaming humampas ng ng libro sa teacher’s table. Anjan na pala ang guro namin! Narinig niya ba ang lahat? Yung pagigitara ko? Siyempre, ano siya bingi? Patay! Napakagat ako sa labi ko ng marinig kong sumigaw siya na bumalik kami sa aming mga upuan. “At ikaw Sasazaki-san!?” Ngumiti siya sa akin at umiwas naman ako ng tingin.
“Po?” Tumayo ako na nakayuko.
“Tignan mo ako sa mga mata,” tumingin ako sa kanya at nanlalaki na pala sa galit ang kanyang mga mata.
“Alam kong magaling ka sa gitarang yan… Pero alam mo naman na oras na ng klase diba?”
“P-Pasensya na po, hindi ko po kasi narinig ang bell—“
“Siyempre hindi mo maririnig! Sa lakas pa naman ng tunog ng gitara mong yan mukhang talo pa ang super saiyan ni Goku!”
Narinig kong mahinang tumawa ang mga kaklase ko ngunit tumigil sila ng binigyan sila ng matalim ng tingin n gaming guro. “Halika ka rito,” tinuro niya ng daliri niya ang space sa tabi niya. Nag-aalangan pa ako, “BILISAN MO!” Tumakbo ako. “Akin na yan” Sabi niya. “H-Ho?” Nagtatakang tanong ko. She grabbed the guitar sa pagkakahawak ko ngunit muntikan pa niyang malaglag ito. “Ang bigat pala ng lintek na ‘to.” Reklamo niya. “Sasazaki-san, makukuha mo ito tatlong araw mula ngayon. Naiintindihan mo? This is confiscated!” Pinandilatan niya ako.
“P-Pero—“
“Hep! Sasagot ka!?”
“Hindi po.” Nanlumo ako at bumalik na sa upuan ko.
…
Kriiiiiiiiiing!!!!!!
Sabay-sabay kaming tumayo at nag-paalam sa last period teacher namin. Hudyat na ang bell na nagtatapos na ang klase. Bumuntong-hininga ako at nanlumo sa upuan ko, waaah ano’ng gagamitin ko panensayo sa Caless? And worst, baka may gig pa kami. Walanjo naman kasi o. Bumuntong-hininga ulit ako.
“Mami-chan?”
Tumingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko naman ang mga kaklase ko. Iniabot ng isa kong babaeng kaklase ang isang paper bag. “S-Sori ah. Na confiscate yung gitara mo dahil sa kakulitan namin.” Aniya. Tinanggap ko naman ang paper bag at tinignan ang laman nito, apat na piraso ng melon bread. Ngumiti ako, “Kalimutan niyo na yun,” mahinang sabi ko. “Pero paano ka na mag-eensayo ngayon?” Tanong nung isa. “Huwag kayong mag-alala, may isa pa ako dun na gitara.” Sagot ko. Patuloy pa rin silang humingi ng pasensya.
Napaisip ako sa sinabi ko. Wala na akong isang gitara. Kay kuya na lahat ng gitara na naiwan sa bahay.
May pagpipilian pa ba ako?
…
Nanlumo na naman ako ng ikuwento ko yun. Cinomfort ako ni Haruna, “Pauto-uto ka kasi sa mga yun eh. Kita mo na ang nangyari?” Ipinanganak talaga na kontrabida itong si Tomomi noh? Ang sarap ilagay sa guitar case. “Eh malay ko ba na malapit na ang bell.” Pagdedepensa ko. “Wala ka kasing relo kaya ganun.” Benelatan niya ako at umirap naman ako. Hindi na ako nakipagbangayan sa kanya dahil mahaba-haba na namang diskusyon kong papatulan ko siya.
Wala akong ginawa buong mag-hapon ng araw na yun sa Caless. Napagdesisyunan kong huwag ng hiramin ang gitara ni kuya. Ayaw kong humawak ng mga bagay na may kinalaman sa kanya. Nag dance lessons na lang ako kasama nina Haru at Tomo, kahit na ayaw kong sumayaw pinagtiisan ko nalang kaysa tumunganga naman ako. At least may natutunan ako.
Sabay na kaming umuwing tatlo, ihahatid namin si Haru sa bus stop since dadaanan naman namin ni Tomo yun pauwi. Napaisip ako, hindi ko nakita si Rina buong araw ah? Baka umabsent, malay ko ba dun. Napadaan kami sa may madilim na eskinita ng may marinig kaming sigawan. Sigawan ng mga babaeng nag-aaway.
“Hoy, Suzuki! Sipsip ka talagang bwisit ka noh!?”
My jaw dropped at nanlalaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang nag-aaway.
Si Rina… Nakaluhod at nakatali ang dalawang kamay sa likod.
BINABASA MO ANG
SCANDAL(DISCONTINUED)
Teen FictionPaano nga ba sila naging legendary all girl rock band ng Japan?