Stress - Chapter 17

101 2 0
                                    

Sam's POV

"Oh, hindi mo ba sasagutin?" -- Tanong ni Luke habang nag-rereng yung phone ko.

Aayaw ko talagang sagutin... Ikaw ba naman, parang natupad na yung pangarap mo, may commercial pa. Kaso wala akong choice ee. Kung sino man 'to.. Parang gusto na kita i-sumpa... Sa lahat naman ng oras, bakit ngayon pa? Damang-dama ko pa 'to oh. 

Kinuha ko na yung phone ko sa bulsa ng pantalon ko. 

O.O

Calling.. Yats :)

Sh*t.. I totally forgot... Ang tanga-tanga ko.. Another FACEPALM MOMENT. :(

"Oh, bakit? Sino yan?" --Nagaalalang tanong ni Luke. 

Kaso, pag sinagot ko 'to, dapat hindi malaman ni Luke na si Felix 'to. Hindi niya pa alam.. Hindi ko pa nasasabi.. Maya nalang.. 

Umupo muna ako, dreading the moment nahumiwalay yung buong katawan ko sa kan'ya. Tapos, sinagot ko na lang. -- "Hello?" -- Umupo na rin si Luke.. Nakatingin lang sa akin.

"HOY, BABAITA KA, GAGALA TAYO NGAYON DIBA? ANONG ORAS NA OH.. NASAAN KA BA?" -- I was relieved nung si Mia yung sumagot. 

"Mia, sorry, nakalimutan ko talaga. Nasa bahay ako ngayon nila Luke. Pauwi na 'ko. Sorry talaga."

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH! Nasa bahay ka nila Luke?! Sige na. Okay lang, jan ka na. Wag ka nang umuwi!" 

"Abnormal ka talaga. SSHHHH. Hindi alam ni Mama. Hindi ako nagpaa--" -- May lalaking biglang sumagot.

"Taps, umuwi ka na, ngayon na!" -- Pagalit yung tono niya.

"Yats?"

"Ano bang  ginagawa mo jan!?"

"Galit ka ba?"

"Hindi ako galit. Basta umuwi ka na!"

Wala akong nagawa nung binaba niya yung phone. Hindi na 'ko nakapagpaliwanag. Hay.. No choice ako.. Uuwi ako.. Si Yats na yung nagsabi ee. :(

"Uy, sino yun?" -- Napansin niya na medyo BV ako.. -- "Okay ka lang?"

"Si Mia lang yun."

"Eh bakit ganyan muka mo?" -- Nakakunot nanaman yung noo niya. -- "Sam, magsabi ka ng totoo."

Hindi ko kayang magsinuingaling kay Luke.

"Si Felix yun.."

"Felix? Sinong Felix?"

"Yung kababata ko.. Felix Mejia." -- Inaayos ko na yung gamit ko.. Nagmamadali na.. 

"Kababata mo si Felix Mejia? Yung new student? Wala ka yatang nabanggit sa 'kin tungkol sa kaniya."

"Basta Luke, next time ko na papaliwanag, okay? Ngayon kailangan ko nang umalis.."

Papunta na 'ko sa pinto nung kuwarto niya nung pinigil niya ko.. Hinarap niya ko sa kaniya. Then, he kissed my forehead. 

"Ihahatid na kita." 

"Hindi na, Luke. Wag na."

"Hindi naman ako nagpapaalam ee."

Again, wala akong choice. At dahil nakabihis pa siya, diretso labas na kami ng bahay at sakay ng jeep. 

Ganito talaga ako... Magalit na lahat, wag lang si Yats.. Siya ang pinakahuling taong gusto kong magalit sa 'kin. Kapag galit siya, I have this feeling that everything he says is mandatory and that everything he says is my obligation. At alam niyang ganoon ang nararamdaman ko, kaya lagi niya kong pinipilit na hindi siya galit.. Pero never akong naniwala.. Lagi ko pa rin nararamdaman 'to, at napaparanoid ako. 

Kung Hindi Lang Kita MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon