I'm sorry..

239 4 0
                                    

Chapter 39

Roselle’s POV

 

Nauna akong nakarating kay Ate Rm sa bahay. Naglinis muna ako ng katawan at tumunganga sa terrace.

Pasado alas nueve ng nakauwi si ate Rm. Napatingin ako sa gate ng gumalaw yun at pumasok sya. Bitbit ang backpack, naglakad lang sya na parang zombie. Nagkatinginan kami ni ate pero walang nagsalita. Nag-iwas sya ng tingin sakin at pumasok na sa bahay.

Siguro makakapag-usap din kami ni ate. Hindi pa nga lang ngayon. Wala akong lakas para i-comfort sya, dahil maski sa sarili ko hindi ko yun magawa.

Mabigat pa rin ang dibdib ko. hindi naman ako galit kay Kavs, dahil kahit hindi ko alam ang nararamdaman nya. Naiintindihan ko sya. Nasasaktan sya.

Bukas, kakausapin ko ang mama nya. Pipilitin ko sya na mag usap sila ni Kavs. Alam ko na magagalit sakin si Kavs. Dahil ayaw nan yang makita ang mama nya. Pero ito lang ang alam ko na paraan para mabawasan na yung pagdudusa nilang pamilya.

Papasok n asana ako sa loob ng bahay ng marinig ko na bumukas yung gate. Hindi ni-lock ni ate?

Lumingon ako. at nakita ko yung lalaking kanina ko pa iniisip.

Nakatayo sya sa gate at nakatitig sakin. Hindi ko alam kung paano kikilos. Parang na-paste ako sa kinatatayuan ko. napansin ko yung pasa sa gilid ng labi nya at yung band aid sa baba ng kilay nya. He looked terrible.

Lumapit sya sakin. Parang automatic na gumalaw yung paa ko. Tumalikod ako sa kanya.

“Babe..” he called.

Huminto ako sandali. Tapos lumakad ulit. Bumalik na naman yung sakit sa dibdib ko.

Nagulat ako ng niyakap nya ako mula sa likod. “I’m sorry….I’m sorry.” Masuyong sabi nya.

Kinagat ko yung labi ko para pigilang wag maiyak. Pero wala ring nangyari. Naiyak pa rin ako.

Hinawakan ko yung kamay nya para alisin sa katawan ko pero mas lalo kong naramdaman na humigpit yung yakap nya. Lalo tuloy akong napaiyak.

“I’m sorry.. please. Talk to me.” He pleaded.

 

Pinilit ko na alisin yung kamay nya sa katawan ko at hinarap ko sya.

Napaawang yung labi nya ng makita yung luha sa mata ko. “I’m sorry about earlier. I’m sorry for the way I reacted it’s just……” He run his fingers through his hair. He looked so frustrated and confused. “It’s just that I don’t want you to worry. I’m thinking a lot of things at ayako na problemahin mo pa ako.”

I wiped my tears. “What really happened?”

My Sweetest Whatever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon