Ako si Faith, 16 years old at graduating student ako noon. Syempre dala ng barkada dahil nga teenager nandyan na ang pagiging ligaw ng landas. Minsan ayaw ko na umuwi ng bahay kasi pakiramdamko sakal na sakal ako sa magulang ko. Wala na sila ginawa kundi pagsabihan ako. Halos mas gusto ko pa na ang barkada ang kasama ko kesa sa kanila. Naligaw ako ng landas. Pakiramdam ko noon wala na akong pag asapa. Kahit na makagraduate ako kung wala naman nagmamahal sa akin, wala din kwenta mga pinaghihirapan ko.
Then I met Spade, naiyak kasi ako noon sa corridor.nagmamasid sa mga students sa campus. Tinapik niya ako noon at tiningnan sa aking mga mata na para bang nangungusap na " kaibigan nandito ako para sayo sabihin mo lamanag ang iyong problema. Count on me. Pwede mo ako maging hinghan ng sama ng loob". Simula noong araw nay un ay nagging magaan na ang aking pakiramdam. Pinaliwanagan niya ako na iayos ko daw ang pag-aaral ko at ang sarili ko. Simula noon nakahanap ako ng totoong kaibigan. At nalayo ako sa barkada.
Ang pagkakamali ko noon ay naitama ko na at narealize ko na. isang araw umuulan, gusto ko lumabas. Umimik ang Mommy ko.
"Faith, san ka na nmn pupunta ANAK? Baka magkasakit ka? Kumuha kang towel at ilagay mo sa likod mo. Para hindi ka matuyuan ng pawis at wag ka na muna lumabas dahil baka magkasakit ka."
Tama nga si Spade na kulang lamang ako sa atensyon. Narealize ko na kaya ganun ang magulang ko ay mahal lamang nila ako. At nag-aalala sila sa mga kalagayan at mga gagawin ko dahil ayaw nila akong masaktan at makitangnahihirapan. Tama si Spade.
Nakagraduate na kami ng high school. Saan kami papasok ni Spade sa College? Yan ang pinag'iisipan naming dalawa. Pero ang napagdesisiyonan naming ay sa Manila kami pumasok. Engineering ang course naming na kukuhanin. Naging magbestfriend kamiat magkasangga. Lahatng bagay ay alam na naming sa isa't isa. At sa lahat ng oras lagi kami magkasama. Dahil napakahalaga ng oras para sa aming dalawa.
Dumating na ang pasukan, sa iisang bahay na lamang kami nakatira at kasama naming ang aming mga Yaya. Maayos kami ni Spade sa pag-aaral. Lunes hanggang Biyernes ang aming schedule. Sabado ay sa bahay lamang kaming dalawa at tinatapos namin palagi ang mga assignment . tapos ugali na naming ang magsimba palagi ng magkasama.
Hindi ko na nga namamalayan ang oras kapag kami ang magkasama. Napakasaya ng bawat oras. Pagakakatapos naming magsimba lagi kaming deretsyo sa Jollibee. Lagi kaming kakain. Halos kilala na nga kami doon ng nga staft. Hehe . Masaya kasi kami kahit kami lamang dalawa ang magkasama. Napakahalaga para sa amin ang oras. Bawat Segundo at minuto. Yan ang isa sa iniingatan naming dalawa.
Hanggang sa may lumapit sa amin na waiter at binigay na ang aming order. Tinanong kami kung kami na. at kung ialang years na kami. Nagkatinginan kaming dalawa sabay tawa. Magbestfriend lamang po kami. pero sa tuwing may manliligaw sa akin at pupunta sa bahay, lagi na lamang pinagtritripan nun. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil nga bestfriend ko siya.
Pero one time, dumating si Sky. Manliiligaw sa akin. May dalang mga roses and chocolates. How sweet dib a? eh ang kalokohan nitong si Spade, inenterview. Tapos habang nag-uusap kami kinakain ung chocolate. Napapatawa na lamang ako. Tapos hiniram yung motor ni Sky kahit my kotse kami. Bumili ng pangmeryenda "DAW". Tpos nung aalis na si Sky puro putik yung motor.
That time nagalit na ako kay Spade. Paranaman kasing nakakabastos na yun eh. Hindi kami nag-iimikan. 1 week na kaming ganun. Lumipas na ang Linggo na hindi kami nakasimba.
Sabado noon, pumunta ulit si Sky sa bahay. Medyo nagdadabog ata si Spade at ang sama niya tumingin kay Sky. Medyo napipikon na si Sky noon kay Spade. Pero inawat ko na lamang at pinakiusapan sibSkyna umuwi na lamang at akin na lamang kakausapin si Spade. Noon ay nagkasagutan kami ni Spade at hindi ko inaasahan ang aking narinig.
BINABASA MO ANG
In time [One Shot Story]
Teen FictionYou can cry if you want but leave a comment that makes me smile :)